Geoff Eigenmann, yayayain na ng kasal si Carla Abellana?

Carla-Abellana-Geoff- EigenmannIBINULGAR NI Michael de Mesa na posibleng si Carla Abellana na raw ang makaisang-dibdib ng kanyang anak na si Geoff Eigenmann.

Nakita raw kasi ni Michael sa anak ang pagiging seryoso nito sa pagmamahal na iniuukol kay Carla. Botong-boto naman sila kay Carla dahil bukod sa maganda ay edukadang tao at siyang nagpabago raw sa ugali ni Geoff.

Ayon pa kay Michael, ‘di raw siya magugulat kung yayain ng kasal ni Geoff si Carla ngayong Year of The Horse.

Samantalang nang makausap namin si Carla noon, bakas sa mukha nito ang kasiyahan na tanda ng masaya at maganda nilang pagmamahalan ni Geoff.

‘Di nga ba, may tsismis na lumabas na nagkakalabuan na raw sila ni Geoff na kaagad niyang tinawanan?

Nang magkasakit si Carla noon, si Geoff ang nag-alaga at nagbantay sa kanya kaya madali siyang gumaling.

At kung darating nga ang pagkakataon na mag-propose ng kasal si Geoff kay Carla, walang dahilan para hindi ito tanggapin ng actress, unless may iba pa silang gustong gawin sa buhay.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

loading...

One thought on “Geoff Eigenmann, yayayain na ng kasal si Carla Abellana?

Leave a Reply

Your email address will not be published.