Parazzi Chikka: Geoff Eigenmann, laging nakabuntot kay Carla Abellana!

Hosts ang Kapuso stars na si Carla Abellana sa Coronation Night ng Bb. Pilipinas nu’ng March 6, 2010 sa Araneta Coliseum. Laking gulat ng ating kamerang-gala nang maispatan niya si Geoff Eigenmann sa nasabing event. Sa backstage lang nakatambay ang dating ka-loveteam ni Rosalinda at halatang hindi ito kasama sa event kasi naka-denim jeans at jacket lang ito. Hindi lang ‘yan, may cap pa siyang suot! Nagtatago ba siya?

Hmm… isa na naman ba itong gimik para mapag-usapan ang loveteam nila? At dahil din ba lalabas ulit sina Carla at Geoff sa Second Saga ng Encantadia?

Totoo na nga ba itong ligawan na ito o isa na naman sa mga loveteam na ipinagpipilitan? Nagtatanong lang po!

By Faith Salazar

Photos by Allan F. Sancon

Parazzi Chikka
Parazzi News Service

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.