Geoff Eigenmann & Kylie Padilla: On The Wings of Love!

Kylie-Padilla-Geoff-EigenmannGEOFF EIGENMANN

Full Name: Geoffrey Michael A. Eigenmann

Birthday: March 24, 1985

Zodiac Sign: Aries

Symbol: The Ram

Ruling Planet: Mars

Quality: Cardinal

Element: Fire

Basic Trait: I Am

Closest Metal: Iron

Lucky Day: Tuesday

 

KYLIE PADILLA

Real Name: Kylie Nicole Padilla

Birthdate: January 25, 1993

Zodiac Sign: Aquarius

Symbol: The Water Bearer

Ruling Planet: Uranus

Quality: Fixed

Element: Air

Basic Trait: I Know

Closest Metal: Aluminum and Uranium

Lucky Day: Saturday
SA KAUNA-UNAHANG pagkakataon ay bida na sa primetime series ng Siyete ang dalaga ni Binoe na si Kylie Padilla. Ang napakagandang dilag ang bida sa fantaseryeng Adarna, na inilunsad sa telebabad block noong nakaraang linggo. Sina Mikael Daez, Benjamin Alvez at ang gwapitong si Geoff Eigenmann lang naman ang magla-laban-laban sa puso ng bidang si Ada.
Matagal-tagal ding nawala sa sirkulasyon si Papa Geoff. Nakatanggap ito ng ‘fat memo’ mula sa GMA kaya ito’y nagsikap para muling pumayat at mabigyan ng work. In fairness, bilib na bilib kami sa determination ni Geoff, ha! Isang bonggang programa tuloy ang reward nito.
Alam ng lahat na boyfriend ni Kylie ang hunk na si Aljur Abrenica at si Geoff naman ay may real-life leading lady na sa katauhan ni Carla Abellana. What if pareho silang single and available? Will they be able to mingle? Tsek natin!

Maganda ang degree of compatibility ng Aries at Aquarius. Pareho silang independent at talagang binibigyan nila ng importansya ang kanilang kalayaan. Para sa dalawang zodiac, mareresolba nila ang problemang kinakaharap sa pamamagitan ng dynamic approach. Ang maganda sa pagsasamang ito ay nirerespeto nila ang uniqueness at individuality ng isa’t isa. Importante para sa kanila na mai-express nila ang kanilang personal creativity. Tsuk!

Palaging susuportahan ng Aquarius ang lahat ng proyektong gagawin ni Aries. Bukas naman sa mga suhestiyon ang Aries at madalas na sinusunod nito ang mga ideya na ibaba-hagi ng Aquarius. May mga pagkakataong maiimbyerna ang Ram sa padalus-dalos na pagdedesisyon ng Aquarian, pero hindi naman ito masyadong big deal. Dahil parehong energetic at full of life ang dalawa, siguradong walang boring moments na magaganap. In short, very good match ang dalawa!

Sa relasyon ng Aries na lalaki at Aquarius na babae, given na ang babae ang ‘manager’ ng kanilang pagsasama. Ito ay dahil sa mas malawak ang pang-uunawa nito at kaya nitong mag-adjust kung sakaling mag-alburuto bigla ang lalaki. Pagdating naman sa romansahan ay hindi magpapahuli ang Aries sa pagpapa-init nito. In short, sa buhay man o sa kama, kering-keri nila ang ever lasting relationship! Pak na pak na pak!

Aha! Mukhang kering-keri rin ang pagbulusok ng love angle sa pagitan nina Geoff at Kylie kung sakali! This love will surely soar high like a butterfly! Dapat na nga bang mag-worry sina Aljur at Carla? Hek-hek! Joke lang po!

Pares-Pares

By Madam Damin

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.