Geoff Eigenmann, inisnab ang promo ng sariling pelikula?!

THE ‘GINS’ HAVE it!: Puffing smokes just outside the Centennial Airport’s Mabuhay Lounge, tsinika namin ang butihing ina ng mga Eigenmann na sina Ryan, Geoff at AJ, ang premyadong aktres at direktora’ng si Gina Alajar.

Pa-lipad ito ng San Francisco, USA para mag-taping ng isang ma-dramang episode ng Maalaala Mo Kaya, ang true-to-life story ng isang caregiver at ng kanyang best friend.

Inusisa ko kay Gina ang tungkol sa hindi pagdalo ni Geoff sa presscon ng pelikulang Villa Estrella. Ang tanong ko eh, may kinalaman ba ito sa pagsalang na ni Geoff sa mga proyekto nito sa Kapuso?

Gulat si Gina sa inusisa ko. Hindi niya raw alam ‘yon, na hindi pala dumating si Geoff sa nasabing press conference. Ang alam daw niya, um-attend doon ang anak. Dahil nang makausap niya raw si Ms. Malou Santos, malinaw naman ang pangakong binitiwan niya para sa anak na magko-cooperate pa rin ito sa promo ng nasabing pelikula, na masasabing isa nga siya sa mga bida.

“Maski sa GMA, ‘yun din ang ipinakiusap ko. Na ayusin ang schedule ni Geoff dahil gagawin naman niya ang commitment niya when it comes sa promo ng pelikula nila. At ang alam ko, sa press conference, dapat nandu’n siya. Ngayon ko lang nalaman ‘yan, na hindi pala siya nakarating. Ano’ng ibinigay nilang rason sa inyo?”

May ibang commitment si Geoff kaya hindi ito makakarating. Ganon ka-simple. “Sure ka? Na wala roon si Geoff?”

Oo nga, ‘no! And the doting Mom kept puffing smokes up in the air. Nasa ere na kami palipad ng San Francisco at hindi na rin niya nasagot ang tanong ko kung makaka-attend naman kaya ng premiere ng pelikula nila ang binata?

SOOOO THIN TIN!: Halos kasabay ng flight namin pa-San Francisco ang flight na nilunanan ng mga artists ng Star Magic na Los Angeles naman ang itinerary.

Si Kristine Hermosa ang nakita kong natagalan sa pagtse-check-in ng bagahe niya. She needed to take out a lot of things dahil overweight na siya sa allowed na 50 kilos lang.

Kaya, kahit na hirap na hirap sila ng handler niyang si Allan Real sa pag-aalis at pagpili ng mga ititira lang nila sa maleta at ilalagay na lang o ipapaki na lang sa may maluwag na maleta o iha-hand carry ba ang iba niyang gamit, natatawa-tawa lang na pinagmamasdan ni Mr. M (Johnny Manahan) at ni Ms. Mariole ang kanilang alaga. Na para bang sinasabing dapat itong matuto na kapag sinabing ganoon lang kabigat ang allowed na dalhin sa maleta, ‘yun lang ang kailangang ilagay roon.

Nang makita ko na sa Mabuhay Lounge ng PAL si Tin at nagsimula nang maglaro sa kanyang Facebook na may ngiti, natiyak na naming meron siyang isang natutunan uli sa pagsalang niya sa trip na ito.

Marami lang ang worried sa pagiging sobrang payat na ni Tin na mukha na raw itong anorexic.

Sa true lang, sa super laking Chanel bag na bitbit ni Angelica Panganiban, kakasya si Tin sa loob nito sa sobrang kapayatan.

The Pillar
by Pilar Mateo

loading...

4 thoughts on “Geoff Eigenmann, inisnab ang promo ng sariling pelikula?!

  1. DON’T BURN YOUR BRIDGES. BAKA MAY PANAHON NA GUSTO MO NANG BUMALIK SA KABILA, HINDI KA NA MAKABALIK DAHIL SA GINAWA MO.

  2. Aw geoff, o well papanuorin ko parin ang movie. That’s so bad ha. Di na ko manun0d sa mga m0vies mu next time. Last na to.

  3. kya ndi dmating si geoff cguradong pngbawalan na nman ng malditang si aling wilma. alam nyo nman ang taong yan e sakim.

Leave a Reply

Your email address will not be published.