Geoff Eigenmann at Carla Abellana, Buking na! – Gorgy’s Park

NAGKAROON NG RENEWAL of contract si Geoff Eigenmann bilang endorser ng Hanford underwear at inilabas na ang mga bagong pictorial niya na medyo daring dahil siyempre briefs at boxers lang ang suot nito.

Noon pa man ay nakahanda na si Geoff na magpaka-daring pero depende naman daw sa role at kung talagang kailangan sa script.

Nagugulat na lang nga daw ang Mommy niyang si Gina Alajar dahil wala itong inhibitions na magpaka-daring.

Napag-usapan namin ni Geoff ang tungkol kay Carla Abellana na lalong naging ka-close raw niya dahil sa tagal nang pagsasama nila sa taping ng Rosalinda.

Hindi lang naman daw sila nagkikita sa taping kundi lumalabas naman daw sila pero group date naman daw.

Naikuwento minsan ni Carla na nagkita sina Geoff at ang napabalitang boyfriend nito na basketbolistang si JC Intal at okay naman daw sila.

Natanong namin ito kay Geoff at wala naman daw problema kung nagkakilala sila. “There was no awkwardness or anything. It was a very short note lang. We we’re introduced to each other, kumustahan lang. For me, wala naman ‘yung selos kasi I have no right to be jealous of anything. On his side naman, I don’t really know. I have no liberty naman to talk kung ano ang side niya,” pahayag ng young actor.

Aminado rin si Geoff na posible talaga siyang ma-develop kay Carla pero sa ngayon daw ay masaya na sila sa ganu’ng set-up at nag-e-enjoy naman daw sila lalo na’t kung magkasama sila sa taping ng Rosalinda.

Bukod kay Carla, parang pilit namang inili-link si Geoff kay Rhian Ramos na katambal pala niya sa pelikulang Ang Panday ni Sen. Bong Revilla Jr.

Hindi naman daw kailangang intrigahin sila ni Rhian dahil nagkasama lang sila sa pelikula at siyempre siya raw ang madalas na kasama nito sa set.

Pero nang pinapili ito kung sino kina Carla at Rhian ang mas matimbang sa kanya, siyempre si Carla ang kaagad na pinili nito.

“Matagal na ang pinagsamahan namin ni Carla,eh, as in bonding talaga. Kami ni Rhian friendship lang talaga, at iba naman ang sa amin ni Carla,” paliwanag nito.

Rufa Mae, ayaw nang patulan si DJ Mo

AYAW NANG PALAKIHIN ni Rufa Mae Quinto ang isyu nila ni DJ Mo Twister dahil may mga nadadamay na ibang tao gaya ni Cong. Mikey Arroyo na tinutukoy ni DJ Mo sa Twitter account niya na karelasyon daw nitong seksing comedienne.

Natawa na lang si Cong. Mikey nang makatsikahan namin ito kamakalawa lang dahil hindi naman daw siya apektado pati ang pamilya niya sa intrigang ito.

Sab nga ni Cong. Mikey, “At least at the age of 40, nali-link pa ako sa isa sa pinaka-desirable na bombshells gaya ni Rufa Mae.”

Natatawa na lang daw ang asawa niya sa ganu’ng intriga na kahit wala na ito sa showbiz, nadadamay pa rin sa ganu’ng intriga.

Hindi na raw isyu sa kanilang mag-asawa iyan dahil hindi naman totoo. Itinatanggi naman ni Cong. Mikey ang napabalitang nagagalit din siya kay DJ Mo.

Siyempre, mas may malaking isyung dapat niyang harapin kaya dedma na siya sa intriga nila ni Rufa Mae.

Nasa Cebu pa si DJ Mo at willing naman daw siyang sagutin ang mga sinabi ni Rufa Mae.

Pero nililinaw naman nitong hindi na siya nakikipag-away kay Rufa Mae lalo na’t kasamahan naman niya ito sa trabaho.

By Gorgy’s Park

Related Post

loading...

6 thoughts on “Geoff Eigenmann at Carla Abellana, Buking na! – Gorgy’s Park

  1. si mikey arroyo ba bf ni rufa na binigyan cya ng bahay sa states….kaya lalong nauubos pera ng bayan….kinukurakot ng kinukurakot….

  2. walang manner si DJ Mo asan ba mga magulang ng isang to. di eto naturuan ng magandang asal.

    Mo why not mag put up ka ng blog site then gamitin mo kadaldalan mo sa paggawa ng constructive criticism. please use your freedom of speech in good thing hijo. God gave us talent to use it in a good way not to destroy creation.

  3. hmm nakakaamoy ako na gimmick sa pic sa taas. parang ginagaya nila si na DD at MR. remember the controversial pic where MR sleeping in DD’s lap with matching pillows din. ay sayang ginagaya nila mas maganda pa naman sana si carla kesa kay marian. mas may appeal. kaya nga medyo insecure si MR dito kay carla.

Leave a Reply

Your email address will not be published.