Geoff Eigenmann and Lovi Poe: I Know He’s Waiting For Me

GEOFF EIGENMANN

Full Name: Geoffrey Michael A. Eigenmann

Birthday: March 24, 1985

Zodiac Sign: Aries

Symbol: The Ram

Ruling Planet: Mars

Quality: Cardinal

Element: Fire

Basic Trait: I Am

Closest Metal: Iron

Lucky Day: Tuesday

 

LOVI POE

Real Name: Lourdes Virginia Moran Poe

Birthdate: February 11, 1989

Zodiac Sign: Aquarius

Symbol: The Water Bearer

Ruling Planet: Uranus

Quality: Fixed

Element: Air

Basic Trait: I Know

Closest Metal: Aluminum and Uranium

Lucky Day: Saturday

 

HABANG TUMATAGAL, lalong gumugulo ang love triangle sa pagitan nina Natasha, Josh at Diana sa programang Legacy ng GMA-7. Kung dati-rati, ang Geoff-Heart loveteam lang ang balak ibenta ng Kapuso Network mula sa nasabing programa, hindi naman maikakaila na marami rin ang nagwi-wish na sana’y magkabalikan sina Josh at Natasha sa pinakamahusay na drama sa Siyete ngayon.

Perstaym magtambal nina Geoff at Lovi sa isang proyekto at in fairness, may fanbase na rin sila, huh?! Sa takbo ng kwento ng Legacy ngayon, marami ang nasasabik sa mga susunod na eksena. Dapat ay engaged to be married na sina Josh at Natasha nang lumabas ang ‘scandalous kiss’ nina Josh at Diana sa mismong engagement party nila! Kalurkey, right? Dahil dito, nag-break ang dalawa pero gusto nilang magkabalikan. Sa ngayon, magdyowa na sina Josh at Diana at sapi-litan namang nakipag-relasyon si Natasha kay Third (Mike Tan). Alam naman ng televiewers na sina Josh at Natasha talaga ang nagmamahalan!

Teka, halatang Legacy viewer ako, ‘noh? Hekhek! Dahil sa surprising chemistry nina Geoff at Lovi, is there a big chance na tsumamba sila in real life?

Maganda ang degree of compatibility ng Aries at Aquarius. Pareho silang independent at talagang binibigyan nila ng importansya ang kanilang kalayaan. Para sa dalawang zodiac, mareresolba nila ang problemang kinakaharap sa pamamagitan ng dynamic approach. Ang maganda sa pagsasamang ito ay nirerespeto nila ang uniqueness at individuality ng isa’t isa. Importante para sa kanila na mai-express nila ang kanilang personal creativity. Tsuk!

Palaging susuportahan ng Aquarius ang lahat ng proyektong gagawin ni Aries. Bukas naman sa mga suhestiyon ang Aries at madalas na sinusunod nito ang mga ideya na ibaba-hagi ng Aquarius. May mga pagkakataong maiimbyerna ang Ram sa padalus-dalos na pag-

dedesisyon ng Aquarian, pero hindi naman ito masyadong big deal. Dahil parehong energetic at full of life ang dalawa, siguradong walang boring moments na magaganap. In short, very good match ang dalawa!

Sa relasyon ng Aries na lalaki at Aquarius na babae, given na ang babae ang ‘manager’ ng kanilang pagsasama. Ito ay dahil sa mas malawak ang pang-uunawa nito at kaya nitong mag-adjust kung sakaling mag-alburuto bigla ang lalaki. Pagdating naman sa romansahan ay hindi magpapahuli ang Aries sa pagpapa-init nito. In short, sa buhay man o sa kama, kering-keri nila ang ever lasting relationship! Pak na pak na pak!

Aha! Malakas ang kutob namin na sa programang Le-gacy ay sina Josh at Natasha ang magkakatuluyan sa dulo. Medyo akma rin ang aming findings kung ibabase rin sa characters nina Geoff at Lovi sa TV. In real life pala ay pak na pak din silang magsama. Well, we all know he’s just waiting there for her. Oras na para ma-threaten sina Carla at Jake! Hihi! Joke lang po!

 

 

loading...

7 thoughts on “Geoff Eigenmann and Lovi Poe: I Know He’s Waiting For Me

  1. Hula ko lang ha. Ang magiging ending ng Legacy is this: natasha will end up with josh. Then magkakatuluyan c diana and Inigo. At magwawagi c bernadette sa legacy, sa kanya mauuwi ang leadership ng Tala. Tandaan nyo mga fwens, ito ang magiging ending ng Legacy

Leave a Reply

Your email address will not be published.