Geneva Cruz, pumiyok?! – Ambet Nabus

IBANG KLASE TALAGA ang hatak sa tao ni Willie Revillame. Sa natanggap naming tsika mula sa mga kasamahan namin sa Davao noong Linggo, kahit na raw matindi ang buhos ng ulan ay tuloy-tuloy lang ang TV host sa kanyang pag-entertain sa mga tao dahil nga mayroon siyang concert du’n.

Halos daang libong katao diumano ang pumunta sa lugar kaya naman kahit mala-bagyo ang kundisyon nila ay itinuloy ang show, kasama nito ang ibang Wowowee talents gaya ng mga dancers at sina Chokoleit at Vice-Ganda.

Plano nga raw ni Willie gawin itong regular at dalasan niya ang pagbisita sa mga probinsya at mga lugar na sinasabing naghahanap at nagmamahal sa kanya ng todo.

Wala pa kaming balita kung matutuloy na ang kanyang pagbabalik sa Wowowee ngayong Agosto  29, pero may mga emisaryo na diumanong nagparating ng balita sa ABS-CBN na hanggang a-28 lang ang leave ni Willie.

KUNG PUMIYOK MAN o hindi si Geneva Cruz sa naging duet nila ni Geoff Taylor nung Linggo sa Are You The Next Big Star?, masasabi nating malaki ang naitulong nito sa contender dahil ito ang tinanghal na male big winner ng kontes.

Rocker ang dating ni Geoff kaya’t sa duet nila ni Geneva ay hindi nagpakabog ang huli mereseng halatang nabibiyak ang boses nito sa matataas na tono.

Anyway, mas may chance na ngayon si Geoff na patunayan sa PDA ng ABS-CBN na nagkamali sila sa hindi nila dating pagpansin dito. Ngayong siya ang tinanghal na big winner (at deserving naman siya dahil bukod sa husay sa pag-perform ay mukhang artista siya talaga), tiyak na may kalalagyan na siya sa music, TV and film industries. Mga bagay na hindi niya nakuha noon sa ABS-CBN.

HINDI NAMAN MAINTINDIHAN kung bakit tila naging big deal sa magkapatid na Rachel at Barni Alejandro ang simpleng ‘sexy chef’ title na ikinabit sa pangalan ng Survivor hopeful na si Mika Batchelor ng Palawan?

Sila diumano ang may karapatang gamitin ‘yun dahil mas una na ‘yung naibigay sa kanila, them having marketed in the field yung ‘beach diet menu nila’ na patunay ng kanilang kaseksihan at pagiging fit.

Hindi na sana namin papansinin pa ito dahil in fairness naman ay wala pang masyadong naipapakita sa show si Mika (mas naaliw kami sa kabadingan at pagiging pasaway ng ilan), pero ang feeling namin ay tila masyado namang ‘title conscious’ ang magkapatid gayung lahat naman ay puwede ‘yung i-claim. Unless, patented sa kanila ang taguring nabanggit, ’di ba, Alex Brosas?

SHOWING NA SA Wednesday ang Tarot.

Last week lang ay hinusgahan si Marian Rivera sa Darna at napatunayan naman niyang keri niyang dalhin sa langit ang fantaserye.

Then nu’ng Linggo ay umarangkada na rin ang Show Me Da Manny, na nakakuha rin ng mataas na pilot episode rating.

Kung sa movie na Tarot (with Dennis Trillo and Roxanne Guinoo) ay muling maipapakita ni Marian ang kanyang karisma at lakas, aba’y siya na nga ang bagong reyna.

Eh, ang lovelife niyang umaapaw sa sarap (have you seen her being kissed on the  lips by Dingdong Dantes during her b-day party?), marami ang namamatay sa inggit.

Showbiz Ambus
by Ambet Nabus

loading...

2 thoughts on “Geneva Cruz, pumiyok?! – Ambet Nabus

  1. I agree. masyado na nga OA ang alejandro sisters. grabe ang reactions nila, huh. as if cla ang naka invent ng word na sexy at chef. eh mommy ko pwede kong tawaging sexy chef. or yung neighbor namin pwede din naman cyang sexy chef. kahit sino basta sexy at chef pwedeng mag claim na sexy chef sya. eh ano naman kung pangalan ng restaurant nila u? heler, eh hindi naman sikat un no. hindi ko nga alam na may restaurant cla. now na lang ng mag start clang mag-ingay. baka naki ride on lang cla sa publicity. eh kung tawagin ko kaya self ko ng sexy writer? may mag react kaya ng kasing violent ng alejandro sisters?

  2. Etong GENEVA na ito feeling pretty siya pag nakikita mo sa grocery sa seattle.Akala mo pagkakaguluhan siya ng tao eh mamimili lang naman ng gulay.Buti umuwi na siya diyan at diyan na lang magkalat.

Leave a Reply

Your email address will not be published.