Geneva Cruz, primadonna sa birthday ni Vice Isko Moreno?! – Alex Brosas

MARAMI ANG NALOKA sa inasal ni Geneva Cruz nang makasama ito sa birthday presentation ni Vice Mayor Isko Moreno a few weeks back na ginanap sa Rizal Stadium.

Pina-stand by si Geneva na isa sa mga performers noong gabi para sa kanyang song number. Ang sabi raw ng hitad, hindi pa siya ready. Then, after a few minutes, sinabihan daw ang singer na siya na ang susunod na isasalang. Again, ang sabi raw ng dyowa ni KC Montero, hindi pa rin siya handa. At noong pangatlong beses na siyang pagsabihan na maghanda na siya dahil siya na ang susunod na magpe-perform, hindi pa rin daw siya ready.

With this, walang nagawa ang coordinator kundi baguhin ang sequence guide ng programa nang tatlong beses.

At noong naka-ready na raw na mag-perform itong si Geneva, may nakasalang na. Naghintay siya ng thirty minutes para lamang maisalang.

[ad#post-ad-box]

After her number, umuusok daw sa galit itong si Geneva at galit na nagpunta sa birthday boy na si Vice Mayor Isko para magreklamo.

Kaloka talaga itong si Geneva.

‘Yan ay kung totoong ginawa nga niya ito!
SOSYAL MAN ANG kanyang image ay very down to earth pala itong si Rhian Ramos.

‘Yan kasi ang impression ng aming friend and neighbor na nakakita sa dalaga habang namimili ito ng mga gamit sa Divisoria.

Yes, mama, sa 168 ay nakita ng kapitbahay namin si Rhian habang nagsa-shopping. Marami nga ang medyo nagulat nang makita ang dalaga roon.

Hindi naman masyadong pinag-kaguluhan itong si Rhian habang namimili. Super-simple nga lang daw ang hitsura ng leading lady ni Dingdong Dantes habang namimili at parang wala nga itong make-up. Nakasumbrero pa nga raw ang dalaga para siguro hindi makatawag ng pansin sa mga taong namimili rin ng mga oras na iyon.

Ang tsika sa amin, marami raw pinamili itong si Rhian na hindi naman alam ng aming friend kung para sa kanya o pangregalo sa Pasko sa ilang kaibigan at kamag-anak.

Ang nakakatawa pa nga raw, natipuhan pa ni Rhian ang polo blouse na unang kinuha ng aming neighbor-friend. Ang kaibigan na rin namin ang nagbigay at hinayaan na lamang daw nito na ang aktres ang kumuha ng blouse na pink kahit type na type niya ito.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

loading...

5 thoughts on “Geneva Cruz, primadonna sa birthday ni Vice Isko Moreno?! – Alex Brosas

  1. hirap kasi mag ka fan base si rhian

    iba si angel , marian , juday, claudine may mga fans talaga na solid kesehodang hindi kumita mga movies and some others echos iba kapag may solid ka na fans… kahit matanda ka na nandyan pa rin sayo

  2. namimili sa 168 para ipang-regalo sa mga reporters ngayong pasko.
    sa dami na kasi ng mga showbiz reporters eh dun lang mapupunta ung pinaghirapan nya kung mamahaling gamit ang pang-regalo nya.
    eh kng sa divi, marami syang mapapamili at hindi nman alam ung pagbibigyan nya kng orig o fake un.
    wais e2ng batang e2!

Leave a Reply

Your email address will not be published.