Geneva Cruz, ipare-rehab? – Alex Brosas

HOW TRUE NA balak nang ipa-rehab si Geneva Cruz dahil sa pagiging alcoholic niya?

Pinaplano na nga raw ng mga taong close sa singer na ipasok na siya sa isang rehab center for alcoholics dahil hindi na raw maganda ang madalas na pag-inom nito. Ang fear ng mga taong malapit kay Geneva, in the future ay maaaring ikasira ng kanyang boses ang pagtungga niya ng alak.

Noong Goma Cup nga raw ay super lasing daw si Geneva. Talagang wala raw itong tigil sa kaiinom dahil ang daming inumin noong gabing iyon. Sa kanya nga raw kalasingan ay nakatulog na ito sa semento. Nagmagandang-loob na nga lang daw si John Estrada na buhatin ito patungo sa kanyang assigned room. Sobrang naawa raw si John pagkakita niya na nakatulog ang singer dahil sa labis na pag-inom ng alak.

Madalas nga rin daw pag-awayan ng mag-inang Cruz ang madalas na pagtoma ni Geneva. Sobrang nag-aalala nga raw ang mother dear ng singer sa posibleng kasapitan ng boses ng kanyang anak once na hindi huminto si Gen sa pagtoma.

True ba itetch, Geneva? Pakisagot na!

Aljur Abrenica, supportado ni Kris Bernal

KUNG TODO-SUPORTA si Kris Bernal kay Aljur Abrenica nang rumampa ang binata sa Cosmo Bachelor’s Bash recently, hindi naman nagpahuli ang sinasabing dyowa ni Aljur na si Rich Asuncion.

Present din si Rich sa nasabing event at para disimulado, ka-join niya si Maxene Magalona na nag-cheer naman sa natsitsismis sa kanyang si JC Tiuseco na isa sa mga hunk na rumampa nang gabing iyon. Ayon sa tsika, si Rich talaga ang dyowa ni Aljur, hindi lang sila maka-out dahil identified ang binata sa ka-love team niyang si Kris Bernal. In short, puwede siyang makasira sa ilusyon ng Kris-Aljur fans.

Nabalita rin noon na dinayo pa talaga ni Rich ang Bohol para makapiling  si Aljur,’ di ba? Ang tsika pa nga, nag-disguise pa si Rich para di makilala ng mga tao roon, bagay na mariin namang idinenay ng dalaga.

Tsika sa amin, kahit na ilang dipa lamang ang layo ng grupo nina Rich at Kris ay super deadmahan ang dalawang hitad. Mas nakalamang nga lang si Kris dahil nagpunta siya backstage para i-congratulate si Aljur sa kanyang pagrampa. At nakahalik pa siya sa kanyang ka-love team.

Ang isa pang hindi pa rin umaaming magdyowa na ay sina JC Tiuseco at Maxene Magalona. Open secret na raw ang relasyon nila ngayon, pero wala pa raw pag-aming magaganap. Sinasabing na-develop ang dalawa dahil sa pagsasama nila sa Kung Aagawin Mo Ang Lahat Sa Akin.

Split na si JC sa kanyang dyowang lawyer na six years din niyang naging girlfriend at free as a bird na rin naman si Maxene dahil break na rin ito sa kanyang non-showbiz boyfriend.

LAUGH AKO NG laugh nang may magtsika sa akin na nag-issue ng tseke si Vilma Santos sa isang reporter na halagang P500. That was ten years ago raw.

Nang papalitan daw ng reporter ang tseke sa bangko ay naloka ang teller. Five hundred pesos nga lang naman ay kung bakit pa itsineke pa ng aktres. Pero, ang nakakatawa, fan pala ni Ate Vi ang teller. Masuyo itong nakiusap sa reporter na papalitan na lang niya ng P500 ang tseke para may souvenir siya sa kanyang idolo.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

loading...

5 thoughts on “Geneva Cruz, ipare-rehab? – Alex Brosas

  1. Sayang ang pagiging vegetarian ni Geneva kung ganon. Iniingatan niya ang puso niya, atay naman ang sinisira.

    Sabagay, dati pa naman ay mukha nang may borderline personality ang babaeng ito.

Leave a Reply

Your email address will not be published.