Premiere Shots: Geneva Cruz: hayup, ang ganda!

Wagi talaga ang photo shoot ng pinakaseksing vegetarian sa ‘Pinas na si Geneva Cruz para sa People for the Ethical Treatment of Animals (PETA). Tanging mga letra lang na bumabaybay ng parte ng mga hayop,  ang nakatakip sa katawan ng sexy siren. Nag-decide si Ate Gene na maging vegetarian noong 15 years old pa lang siya dahil sa mga nakita n’yang gumagala-galang hayop sa Calauit Islands, Palawan. Hindi naman daw siya naging vegetarian for the sake of vanity o pag-iinarte, talagang concerned daw siya sa mga animals, huh!

Well, iba naman ang concern ng mga barako – ang katawan ni Geneva! Kaya naman nu’ng nagpa-photo shoot s’ya sa PeTA, ever present ang inyong mga ka-parazzi. O, nakumbinse na ba kayong maging vegetarian?

Premiere Shots
by Faith Salazar

Click to enlarge.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.