Geneva Cruz at KC Montero, namigay ng pera sa limang street children – Alex Brosas

NAKAKATUWA NAMAN ITONG magdyowang sina Geneva Cruz at KC Montero.

Naispatan kasi sila ng aming source na pinakain ang limang street children nang makita nila ang mga ito kakamakailan. Naawa raw ang magdyowa sa limang bata kaya naman pinagmeryenda nila ang mga ito sa isang convenience store na malapit sa opisinang kanilang pinuntahan nang araw na iyon.

Tuwang-tuwa ang mga bagets sa gesture ng magdyowa. Hindi sila makapaniwala na pagkakalooban sila ng ganoong pagkakataon nina Geneva at KC.

Bukod sa pinakain na, binigyan pa raw ni Geneva ng P1,000 ang mga bata. Hindi naman daw nagpatalo si KC, binigyan niya rin ng P500 ang mga bagets.

Kamakailan lang, nag-pose nang halos hubo’t hubad si Geneva para sa People for Ethical Treatment of Animals (PETA). Pinaniniwalaan niya ang cause ng nasabing organisasyon.

Other showbiz news today by Alex Brosas:

John Lloyd Cruz, gusto na ang mga bading

Direk Carlo Caparas, artist talaga sa bagong movie

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

loading...

2 thoughts on “Geneva Cruz at KC Montero, namigay ng pera sa limang street children – Alex Brosas

Leave a Reply

Your email address will not be published.