GEN. ROSALES, ITINANGGING PROTEKTOR NG DOMINGUEZ CARNAPPING GROUP

HINAMON NI DATING NCRPO chief, Director Roberto “Boysie” Rosales ang mga nag-aakusa sa kanya na maglabas ng ebidensya na isa siya sa protektor ng Dominguez Carnapping Group. Kasabay ito ng pagtanggi ng heneral sa akusasyong ibinabato sa kanya.

Iginiit ni Rosales na posibleng ang mga sindikatong kanyang nakalaban sa mga nakalipas na panahon ang nasa likod ng tinawag nitong “smear job”.

“This is a personal attack…. I challenge the one behind the report to come out with proof,” saad ni Rosales.

Pinaliwanag pa ni Rosales na sa 33 years niyang panunungkulan ay maayos siyang nagsilbi sa gobyerno.

Tiniyak din ni Rosales na kanyang kakasuhan ang nasa likod ng mapanirang report.

Una nang lumabas sa isang pahayagan na sina Rosales at Supt. Napoleon Cauyan, ang da-ting pinuno ng Traffic Management Group Task Force ng PNP ang protector ng Dominguez carjacking syndicate.

Tiniyak ni Rosales na handa siyang humarap sa anumang imbestigasyon maging sa Kongreso man kasabay rin ng pagtuturo sa ilang opisyal na posible aniyang nasa likod ng alegasyon dahil sa posibilidad na paghalili nito bilang hepe ng Pambansang Pulisya.

“I have a good chance of becoming chief of PNP. There are so many things to find out [on who is behind this smear campaign]. Who has the most to gain from this,” saad pa ni Rosales. (EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.