Gen. Bartolome, bagong hepe ng PNP

MAKARAAN ANG ILANG araw na guessing game, inanunsyo na ni Pangulong Noynoy bilang susunod na hepe ng Pambansang Pulisya si Chief Directorial Staff Deputy Director Gen. Nicanor Bartolome.

Si Bartolome na dalawang beses naging PNP Spokesman, una sa panahon ni dating PNP Chief at ngayon ay Senador Panfilo Lacson; at kay dating PNP Chief General Avelino Razon, Jr.

Sa mga unang buwan ng taon, malakas na ang bulung-bulungan sa napipintong pagmana ni Bartolome sa upuan ni outgoing PNP Chief Director Gen. Raul Bacalzo.

Si Bartolome na miyembro ng Philippine Military Academy (PMA) Class 1980 ay nagsilbing director ng National Capital Region Police Office (NCRPO) bago naging number 4 man o Chief Directorial Staff Deputy.

Tatlong araw bago ang paghirang kay Bartolome, tila naging mahigpit ang pagpili ng Pangulo sa magiging kapalit ni Bacalzo dahil isa sa kinokonsidera ay si Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Chief Gen. Samuel Pagdilao.

Naging bulung-bulungan din umano na ini-lobby ni Lacson si Pagdilao, dati ring PNP Spokesman at miyembro ng PMA Class 1979.

Samantala, kahapon ay personal na sinadya ni Bacalzo ang PNP Press Office upang pasalamatan ang media.

Ayon sa heneral, dapat umanong ipagpatuloy ng media ang tungkulin nito at ang mga puna na kanyang natamo ay tinanggap niyang positibo para maipatupad ang reporma sa PNP.

Sinabi rin ni Bacalzo na naging patas sa kanya ang media at kung sakaling may mga sundot ay itinuring nitong panggising lamang para mapagbuti ang kanyang trabaho.

Ipinagmalaki rin ni Bacalzo na “well accomplished” siya sa kanyang misyon. Pinasalamatan din ni Bacalzo ang pangulo sa pagtitiwala sa kanya dahil hindi naman niya ito talaga kilala. (EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.