Gelli de Belen, hirap nang maglambing sa mga anak

Gelli-de-BelenTEENAGE NA pala ang dalawang anak ni Gelli de Belen na sina Julio, 13 years old at si Joaquin, 15 years old.

Tsika ni Gelli nang makausap namin sa Ryu resto ni Ogie Alcasid sa Tomas Morato na super sarap ang mga pagkain at mura pa ang presyo. May sariling mundo na raw ang dalawang teenager dahil may kanya-kanyang nang mga kaibigan na sinasamahan.

“Ganoon talaga, ‘di ba? Hindi na kasi sila babies. May sarili nang lakad ang mga bata. Before, kapag sinabi mo, sama ka sa akin sa mall, mabilis pa sa alas-singko kung magbihis. Ngayon pahirapan na kapag nagpapasama ka. May mga excuse sila parati pero naiintindihan ko naman.

“Si Ariel (Rivera) talaga ang nakakapagpasunod sa kanila. Kapag sinabi ni Ariel na kailangan samahan ako, susunod sila pero may mga kundisyon pa ‘yan. Kaya kami ni Ariel, oo lang kami nang oo sa mga pakiusap nila. Minsan kasi nami-miss ko na rin ang mga batang kasama. The whole week na kasi akong nagtatrabaho at ‘yung dating time na naibibigay ko sa kanila noon ay nababawasan. Kaya hangga’t maaari, habang nayayakap at nahahalikan ko pa sila, ginagawa ko bago pa sila mag-inarte, ‘di ba?” natatawang tsika ni Gelli.

Bukod sa Face The People, kasama rin si Gelli sa Confessions of a Torpe with Ogie Alcasid, Alice Dixson, Dennis Padilla, Jojo Alejar,Alyssa Alano, at Bayani Agbayani.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

loading...

3 thoughts on “Gelli de Belen, hirap nang maglambing sa mga anak

Leave a Reply

Your email address will not be published.