Gelli de Belen, busog na busog pa rin kay Ariel Rivera!

BLIND ITEM: SA isang posh subdivision in the southern part of Metro Manila naninirahan ngayon ang isang female TV personality (FTP) who’s married to a non-showbiz guy (NSG).

Pero hindi ito ang catch. Reportedly, the residence of the couple happens to be a “shared property” na pag-aari ni FTP at ng kanyang dating TV host-boyfriend (THB). Kontra ito sa balitang nasa poder ni NSG ang kanyang misis.

If true, this leaves a bad taste in the mouth, more so on the part of NSG who has the temerity to live in a house na mas malaking bahagi  nito ay ginastusan ng ex-boyfriend ng kanyang esmi. Hindi rin siyempre ligtas sa batikos si FTP questioning her delicadeza—or lack of it—na gawin nilang pugad ng pagmamahalan ang hindi naman siyento porsiyento niyang pag-aari.

FTP, however, faces a greater challenge. This time, she has to prove na meron nga siyang delicadeza if she takes a graceful exit mula sa isa sa kanyang mga programa. No further details follow.

 

GELLI DE BELEN turned 38 last May, and almost half her age has been spent with her boyfriend of five years na si Ariel Rivera, na katuwang niya ngayon sa buhay sa loob ng labing-apat nang taon.

Hangga’t maaari ay ayaw sana itong ipasulat ni Gelli, but we won’t go into specifics. Pero nagkaroon siya noon ng problema sa kanyang reproductive organ—a life-threatening one at that—kaya’t masuwerteng nabiyayaan pa sila ng pangalawa’t bunsong anak ng kanyang mister.

But given her inability, inamin naman ni Gelli na “nabubusog” pa rin naman daw siya ni Ariel sa “cravings” nito in bed.  “Naman!” Walang kagatul-gatol na rebelasyon ng host-actress. “Pero please lang, sa amin na lang ‘yon ng dyowa ko,” pakiusap niya.

Meanwhile, Gelli is not just back on TV, balik-time slot din siya tuwing alas diyes y medya ng umaga starting November 7, ang oras noon ng programang Sis on GMA which she co-hosted with sister Janice and Carmina Villaroel.

Literal na nakakabusog ang nagsisilbing pagbabalik din niya sa TV5 (remember their gag show Tropang Trumpo on ABC 5) via an aptly titled show Gellicious. Unlike her Ate Janice’s Spoon which is essentially a cooking show, Gelli’s daily morning show is a food magazine fare.

For its pilot episode, ginalugad nito ang Divisoria for a taste of the mouth-watering Chinese cuisine. Pero hindi lang limitado ang Gellicious sa mga high-end resto, it can also sample even the dishes in some greasy spoon out there.

Nakakatuwa nga ang kuwento sa likod ng konseptong ito ni Mr. Perci Intalan ng TV5. Nagkataong nasa Wyoming ang buong team ng programang Pinoy Explorer ni Aga Muhlach when he got an overseas call from Gelli’s manager, si  Boy Abunda.

Pagbabalita ni Kuya Boy, may inilulutong sitcom daw ang M-Zet for Gelli that would cast her with Vic Sotto, Jose Manalo and Wally Bayola. Kaya ang tanong agad ng manager if TV5 had also other plans for Gelli, na siya naman palang pinaghahandaan din ng istasyon.

So, whatever happened to Gelli’s contract with GMA? “Maayos naman akong nagpaalam sa GMA. Actually, nagkita kami ni Ma’am Wilma (Galvante, GMA’s SVP For Entertainment TV) sa binyag ng anak ni Paolo Contis. Aware kasi siya na hindi ko na ini-renew ‘yung contract ko, so niyakap niya ako. Sabi niya, ‘Kung saan ka masaya’.”

And no doubt, with her new show which is right up her alley, Gelli is just as happy.

 

ISA NA NAMANG katsipang kuwento ang hatid ng Face To Face ngayong Biyernes na pinamagatang Dinakma Ni Sir Ang Hinaharap Ko’t  Puwitan Ko Pero Ang Anak Niya Ang Ama Ng Aking Nasa Sinapupunan!

Inireklamo ni Mirasol ng umano’y panghihipo ang kasambahay na si Mang Avelino, ipinagtanggol naman ito ng kanyang anak na si Nomar na ‘yun naman pala ay siyang nakadisgrasya sa merlat.
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.