Parazzi Chikka: Gee-Ann Abrahan at Mickey Perz, nauwi rin sa hiwalayan!

Sumikat si Gee-Ann Abrahan sa Pinoy Big Brother Season II dahil sa kanyang kaseksihan at galing sa pagsasayaw. Marami ang medyo nawirduhan sa kanya dahil mahilig siya sa manika. Dinala pa niya sa loob ng bahay ni kuya ang isa sa kanila na ang pangalan ay Pamela. Marami rin ang nabighani sa kagandahan ng cheerleader na ito tulad nina Kian Kazemi (na agad niyang binasted), Bodie Cruz (ang kanyang ultimate crush) at si Mickey Perz, na nabalita namin na nakipag-break sa kanya.

Mahigit isang taon din daw ang itinagal ng relasyon nina Gee-Ann at Mickey.  Ayon sa dalaga, ilang beses na silang naghiwalay ng magaling na dancer at ito raw ang pinakamasakit na break-up na napagdaanan n’ya. Ang rason? Naku, hindi na naman daw niya matukoy kung ano. Basta daw walang third party sa kampo niya o kay Mickey.

Sa mga nakuhanang litrato ng ating kamerang-gala sa isang night market, ilang buwan lang nakararaan, sino’ng mag-aakalang sa hiwalayan din ang bagsak nina Gee-Ann at Mickey?

Click to enlarge.

loading...

4 thoughts on “Parazzi Chikka: Gee-Ann Abrahan at Mickey Perz, nauwi rin sa hiwalayan!

  1. i just saw them..shakeys shaw branch..i dont know whose with them  may girl n kid about 5 yrs old n katabi ni gee ann..and mickey then in front of them is a girl same of their age and an older girl about 50’s cguro..i think they are still together..=)

Leave a Reply

Your email address will not be published.