GB Sampedro, mamamanhikan na sa pamilya ni Daiana Menezes sa Brazil!

NAKAUSAP NAMIN SI GB Sampedro, inamin nito si Daiana Menezes ang babaeng gusto niyang makasama habambuhay. May plano na pala silang lu-magay sa tahimik. Nag-propose na ito ng marriage sa Brazilian model- TV host. Katunayan nga, mamamanhikan na si Direk GB sa pamilya ng dalaga sa Brazil this coming November. Aayusin muna ni GB at Daiana ang kanilang schedule bago sila lumipad patungong Brazil. Excited na raw siyang makilala ang family ng magiging future wife niya.

Bakit nga ba sa dinami-dami ng babaing nagkaroon ng kaugnayan kay DIrek GB, si Daiana lang ang inalok niya ng kasal? Alam natin si Candy Pangilinan ang huling dyowa ni Direk at taon rin naman ang tinagal ng kanilang relasyon? Bakit hindi sila ang nagkatuluyan? “Mahirap ipaliwanag, puso mo ang nagdidikta kung sino sa mga minahal mo ang masasabi mong she’s the one. May magic kang mararamdaman at sasabihin mo sa sarili mo, siya na ang babaeng gusto kong makasama habang-buhay,” paliwanag niya.

Ayon kay Direk GB, lahat ng babaeng nakarelasyon niya, totoo niyang minahal. Sa bawa’t relasyon daw hindi mo agad masasabing kayo na ang magkakatuluyan. Darating kayo sa point na nawawala na ‘yung love. Marami kayong matutuklasan sa bawa’t isa sa inyo at mari-realize mo, hindi pala kayo para sa isa’t isa.

Kailangan daw makilala muna ng pamilya ni Daiana nang personal si Direk GB bago pag-usapan ang kanilang kasal. One week magbabakasyon ang dalawa sa Brazil para lubos na makilala ang magiging future husband ng kanilang anak.

 

PINABULAANAN NI BETCHAY Vidanes (manager ni Robin Padilla) na hindi totoong may plano silang lumipat sa bakuran ng TV5. Kung nakita man sila sa Kapatid Network, dahil sinamahan lang nila si Mariel Rodriguez sa meeting nito with  Perci Intalan (vice-president ng TV production) at Jay Montelibano (business unit head ng Wil Time, Bigtime).

Ayon kay Ms. Betchay, may contract pa si Robin sa ABS-CBN for 2 years so, malabong lumipat ito sa Singko kahit nandu’n ang kanyang misis. Maayos naman daw nag-paalam si Mariel sa mga bigwigs ng ABS-CBN so, walang naging problema. Nilinaw rin ng talent manager na hindi siya ang manager ni Mariel kundi si Jay Montelibano for TV5. Still, si Boy Abunda pa rin ang kanyang manager (over-all) at under siya sa Backroom.

Ikinuwento rin ni Ms. Betchay na bukod sa Wil Time, Bigtime,” isang reality show ang gagawin niya. Inalok din siyang mag-host ng Paparazzi pero tinanggihan niya. It’s Sunday, rest day at family day para kay Mariel.

 

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

loading...

3 thoughts on “GB Sampedro, mamamanhikan na sa pamilya ni Daiana Menezes sa Brazil!

  1. WALANG AATRASAN YANG SI MENEZES……..PAANO PA MAMAMANHIKAN EH NAGBAHAY-BAHAYAN NA YAN………LET’S ASK SHIVAKER…………HAHAHAHAHA……..

  2. mukhang kenkoy pala si gbsanpedro. si daiana lang ang inalok nya ng kasal kc tingin nya trophy wife tong si daiana. e sya kaya ano tingin sa kanya ni daiana? kating-kati na sya mamanhikan, abangan natin ang susunod na kabanata, ang title – ‘mga dahilan ni daiana kung bakit hindi matutuloy mamanhikan si gb sa brazil’. etong katatapos lang na kabanata ang title – ‘five years pa bago mag-asawa’. dito natin ma-te-test kung gano ka-creative sa palusot itong babaeng to.

  3. Mukha naman tutubi itong mapapangasawa ni Diana. No wonder nireject nya ang proposal nito. kahit siguro bakla hindi papatulan itong tutubi nato. The nerve. at nagpapayat pa ang lagay na yan? mataba o payat… still the same… ugly as ever lol

Leave a Reply

Your email address will not be published.