Gay TV host/comedian, pinag-aagawan ng magbabarkadang young actors

BLIND ITEM: SINO itong sikat na sikat na TV host/comedian na sobrang haba raw ng buhok, kahit hindi naman dahil sa balitang pinag-aagawan daw ito ng mga young actor mula sa isang reality-based artista search mula sa isang higanteng TV network.

Ang siste, magbabarkada raw ang mga naturang young actors na lahat ay talaga namang delicious at papable na pare-parehong pumupunta sa pad ni host/comedian. Ang nakakaloka ay hindi raw si host/comedian ang nagtatawag sa mga guwapitong young actors kundi ang mga ito ang kusang pumupunta at ino-offer ang mga sarili sa host/comedian.

May insidente pa nga raw na kamuntik-muntikan nang mag-umbagan ang mga bagets stars dahil kay host/comedian dala na rin ng selos sa kung sino ba sa kanila ng type ni host/comedian. At kahit nga alam daw ni host/comedian ang nangyayari sa grupo ng mga kabataang artista, deadma lang daw ito at mukhang nag-eenjoy pa sa nangyayari.

Hindi rin naman daw masisisi si host/comedian dahil sobrang maalaga raw ito sa mga naturang bagets , bukod kasi sa malaking datung na ibinibigay nito ay super luto pa raw ito everytime na pumapasyal ang mga nagguguwapuhang young actors. Kaya naman daw nawiwiling pumunta at tumambay roon ang mga bagets.

Pero sa dinami-rami nila ay isa lang daw ang nagpatibok ng puso ni host/comedian at type na type nito ang isang hunk, tall dark and handsome na bagets actor na kung titingnan ay napakainosente at walang kamuwang-muwang sa buhay. Ito raw ngayon ang palaging napagkikitang laging nasa mala-palasyong bahay ng host/comedian.

NAKAKALOKAH DAHIL GRABENG impact talaga ang pagkaka-link ng host comedian/enterpreneur na si Arnel Ignacio kay Suzuki Sadatsugu, dahil hindi lang sila pinag-uusapan sa buong bansa kundi maging sa iba’t ibang sulok ng buong mundo.

At ang latest nga ay may nagbuo na ng fans club ng mga ito sa Bacolod na tinawag nilang “Arzuki“ na matatagpuan sa Facebook at Twitter at may mga miyembro at officers na. Ang nakakaloka ay may mga gusto pang bumuo ng Fans Club nila sa Amerika, Hongkong at Saudi Arabia.

Kaya naman daw mukhang nasa Cloud 9 ngayon si Arnelli (palayaw ni Arnel) sa itinatakbo ng loveteam nila ni Suzuki. Pero ang nasagap naming balita ay hindi na raw nagti-text, sumasagot ng tawag at mukhang nagtatago na si Suzuki.

May nagpaabot pa nga sa amin ng balita na imbes na matuwa ay mukhang hiyang-hiya raw ang Jap/Pinoy hunk actor na katas ng Survivor dahil kahit saan daw pumunta ito ay laging ang relasyon nila ni Arnel ang itinatanong sa kanya.

Kahit nga raw ang mga malalapit na kaibigan ng pamilya nito at mga kamag-anakan ay tinatanong na rin daw si Suzuki ng real score sa kanila at sa mga mamahaling materyales na bagay na binibigay raw rito ng mayaman, galante at very generous na si Arnelli. At ang isa pa raw dahilan ay mukhang in love daw si Susuki sa isang miyembro ng Sexbomb dancers.

Ang tanong, if ever na totoo nga na umiiwas na si Suzuki kay Arnelli, papaano na ang binubuong fans club ng kanilang mga supporters around the globe? Matutulad din ba ito sa Kimerald fans club at aaway-awayin din si Suzuki at magbabantang sasabuyan ng asido ang Sexbomb member? Well, ‘yan ang aabangan natin.

ISA SA CONTESTANT for Mr. and Ms. Olive C Campus Model Search 2010 na gaganapin sa Oct 28 sa Skydome ng SM City North Edsa Q.C.  ang pamangkin ni Francis Magalona na si Jennel Magalona, 16 years old, 5’10” in height at nag-aaral sa John Technical School at isang Print Ad Model.

Wala raw balak sanang pasukin ni Jennel ang pagmo-modelo dahil na rin sa nangyari sa kanyang nakatatandang kapatid na si Benjie, na sumubok na mag-modelo at mag-artista pero hindi sinuwerte at binawian ng buhay sa murang edad.

Hanggang ngayon ay dala-dala pa rin daw ni Jennel sa kanyang dibdib ang sinapit ng kanyang kapatid na pinatay ng mga kaibigan nito sa pamamagitan ng paghulog mula sa 18th Floor ng isang building at bumagsak sa 6th floor. Maling tao, barkada at koneksiyon daw ang dahilan ng maagang pagkamatay ng kuya nito.

Kaya naman kahit marami ang gustong humawak dito ay pinipigilan siya ng kanyang mga magulang at kamag-anak na pasukin din ang pagmo-modelo o pag-aartista dahil ayaw ng mga itong sapitin din ni Jennel ang sinapit ng kanyang kuya.

Pero dahil may dugong artista at sa kagustuhang ipagpatuloy ang naudlot na pag-aartista at pagmo-modelo ng kanyang kuya, sinubukan nitong mag-modelo at balak ding pasukin ang pag-arte sa telebisyon at pelikula.

Wish nga raw nitong makopo ang title ng Mr. Olive C kung saan ang premyo ay isang 18 months management contract worth P100,000 mula sa Psalmstre Inc. makers of Placenta and Olive C at maging campus endorser ng Olive C at makakasamang mag-endorso ang celebrity endorser nitong si JR De Guzman.

John’s Point
by John Fontanilla

Previous articleFanny Serrano, binulabog ang Nueva Ecija
Next articleRico Blanco, binastos si KC Concepcion?!

No posts to display