Gay TV host, hina-hunting ng dating dyowang nagtatrabaho sa bar!

OLA CHIKKA! MARAMI ang nagulat nang makita sa mga print, television at online sites ang photo scandal nitong bad boy ng dancefloor na si Mark Herras noong nakaraang linggo. Makikita sa dalawang picture ang mukha diumano ni Mark at ang isa du’n kung saan kitang-kita si “junjun”. Makikita rin doon ang chatbox na kahit papaano ay masisilip mo ang pinag-uusapan nilang dalawa ng kanyang ka-chat na sinasabing lalaki rin. Kalerkey! Iba na ito! Nagpapakita na nga ng kanyang pagkalalaki tapos sa kaparehas pa niyang kasarian?
Kung ordinaryong tao lamang ang makikita sa litrato ay agad sasagi sa ating isipan na nagsi-show nga ito. Ipinapakita ang kanyang pag-aari sa isang bading maaari. Sino ba namang matinong tuwid na lalaki ang nanaising makakita ng isang
bagay na mayroon din siya? Hmmm… nagpapabayad kaya ang lalaking bida sa litratong iyon or sadyang nagpapalipas lamang ng kanyang init sa katawan?
May nagsasabi rin naman na sa panahon natin ngayon, kung saan ang teknolohiya ay to the highest level na, maaaring edited lamang ang litratong iyon. Para saan naman? Bakit may isang taong gagawa ng ganu’n upang sirain ang isang Mark Herras? O sadyang malakas lamang mag-trip at napagdeskitahan ang badboy ng dancefloor. Tsk, tsk, tsk!

Bakit kaya may mga taong hindi na lang maging masaya para sa achievements ng ibang tao na imbes siraan ay suportahan na lang. Dahil sa iilang litrato lamang ay ganu’n na lang kabilis masisira ang pangalan ni Mark Herras na matagal-tagal din niyang pinaghirapan. Ano naman ang mapapala ng taong nagkakalat nito at kung maaari ay nag-edit o nagti-trip?
Para sa akin, hindi ako naniniwalang si Mark Herras ang lalaki sa litratong iyon. Maaaring kamukha niya lamang iyon gaya ng sinasabi niya. Ang mukha kasi ni Mark ay napaka-common na sa ating Pilipino kaya hindi malabong kamukha niya ito.
At isa pa, kung talagang eskandalo niya ito, bakit litrato lamang ang nakuha nila at hindi ‘yung actual video? O, kahit litrato na lamang na makikita, hindi lamang ang ari niya dapat maging ang mukha. Sa dami ba namang galaw na maaaring makuhanan ng kamera ay ari lamang ang ipinakita na wala man lang kasamang mukha sa iisang litrato?

At sa pagkakaalam ko, noong mga panahong dated ang eskandalo ay mayroong ginagawang palabas sa Kapuso itong si Mark, kaya napakakitid naman ng utak niya kung gagawin niya iyon gayu’ng kumikita naman siya at kung init lamang ng katawan ay tiyak na maraming nababaliw sa kanya, kaya walang dahilan para gawin niya ang eskandalong iyon. Sa tingin n’yo?

BLIND ITEM: PITIK-BULAG! Sino siya? Mahulaan n’yo kaya itong mahaderang baklita na napapabalitang inaabangan ng mga papalicious sa isang bar?! Tamah! Inaabangan siya hindi dahil sa kagandahan niya kundi para jombagin dahil sa mga kakemehan niya.

Ang chikka kasi, pinangakuan niya ng kung anu-ano ang jowa niya na nagtatrabaho sa isang bar sa quezon city. Matapos niyang hadahin ay wala kahit isa sa mga pangako niya ang natutupad na hanggang sa tumagal na ay puro salestalk na lang. Nahalata na yata ng boylet na chini-chikka lang siya ng baklitang ito kaya ayun! Nalaman ng baklita na pinapa-hunting na siya ng dating jowa niya kaya hindi na siya makabalik sa paborito niyang bar. Dahil kapag nagkataon, talagang majojombag siya ng mga tropapips ng boylet niya.

Ano pa bang kinakatakot mong mahaderang baklita?! Kahit naman pumunta ka sa bar na iyon at majombag ka ay wala nang masisira sa chakka mong fez! Kilalang-kilala n’yo na ito dahil maraming germs ang nawawarla rito! Hindi siya ah! Kung hindi ‘yung julalay niya! Ha-ha-ha! ‘Yun na!

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

Related Post

loading...

9 thoughts on “Gay TV host, hina-hunting ng dating dyowang nagtatrabaho sa bar!

  1. nainggit na naman itong kawawang paranoid at insecure na baklang kabayo!!! hindi nya matanggap na sikat na sikat na si shalala!!! ha ha ha ha ha!!! kawawang kabayo! di na sumikat sikat!!!

Leave a Reply

Your email address will not be published.