Gay TV host-comedian, binantaan ng isa ring gay TV host-comedian?

BLIND ITEM: KINSA sila? Sa isang episode ng isang entertainment show, may binasang text ang isang TV-host-DJ patungkol sa kanyang co-host na gay comedian. Binasa nito ang text mula sa isang gay TV host comedian na dati rin niyang kasama sa isang entertainment show. Nakakaligalig lang ang text ng gay TV host comedian dahil may halo diumano (again, diumano ha) itong pagbabanta sa gay TV host comedian na nagbibigay ng mga blind items na may re-enactment. Ayon pa sa mensahe, mag-ingat daw ito sa pagbibigay ng blind items dahil kadalasan daw ay nag-iimbento lang ito. Meganon? Walang clue dahil alam n’yo na kung sino ang dalawang gay TV hosts-comedians na i-tech. Sana biro lang ang text na ‘yun dahil nakakatakot ha kung seryosohan ‘yun ‘noh?!

NATIYEMPUHAN KO SI Rosanna Roces sa taping ng Untold Stories ng TV5 noong nakaraang linggo. Medyo, maaliwalas ang mukha ng kontrobersiyal na aktres at nakitaan ko siya ng kakaibang aura. Masayang-masaya raw siya sa ngayon dahil nabigyan siya ng panibagong chance na makabalik sa pag-arte sa telebisyon.

Inamin ni Osang na pass na muna siya sa pag-ibig sa ngayon, dahil nawiwindang daw ang kanyang buhay ‘pag super in love siya. “Eh kasi ano ang dami kong napapabayaan ‘pag in love ako… ‘di ako makapagtrabaho… hindi lang ‘yun pati sarili ko napapabayaan ko…

“So ngayon, hinahanap ko kasi ‘yung feeling na nadi-distract ako kasi kinikilig ako. Ngayon wala nang dumi-distract sa akin… pero parati akong kinikilig. Kasi sa kasuluksulukan diyan, may naghihintay na taong magmamahal sa akin.”

Tarush.

HINDI LINGID SA kaalaman ng karamihan na isa nang sikat na singer at actor sa Indonesia si Christian Bautista. At ang magandang balita, dalawa pa sa ating lokal na mang-aawit ay nakapag-release na rin ng album at single sa nasabing bansa. Ito ang magandang ibinalita nina Kyla at Jay-R kamakailan lamang.

Kuwento ni Jay-R, sa experience niya sa pakikipagtrabaho sa mga Indonesian, “Oh yeah ang sarap ng experience, parang Pilipino rin sila eh, very warm, very welcoming, masarap ang pagkain. But overall it was a good experience kasi we got to mingle with different artists.”

Dagdag naman ni Kyla, “Si Jay-R po naka-release na nang album du’n, ako single pa lang, ah paglabas po nang album ko, we’ll be releasing it there and promote.”

Congrats, Kyla and Jay-R!

Tutok lagi sa Juicy, daily (12 NN), sa TV5; Paparazzi, Sundays, 4 PM, sa TV5; at sa Cristy Ferminute, Radyo Singko, 92.3 newsFM, daily, 4 to 6 PM.

Sure na ‘to

By Arniel Serato

loading...

8 thoughts on “Gay TV host-comedian, binantaan ng isa ring gay TV host-comedian?

Leave a Reply

Your email address will not be published.