Gay talent manager, kinumpronta ang aktres na kinalolokohan ng karelasyong aktor!

BLIND ITEM: SA HALIP NA ipakatagu-tago ng isang gay talent manager ang relasyong namamagitan sa kanila ng kanyang alagang aktor, there’s no stopping him now.

Nasundan pa pala ang pangugumpronta niya over the phone sa aktres na kinahuhumalingan ngayon ng kanyang dyowang aktor. For her part, nais lang i-validate ng aktres kung totoo ngang ang kanyang present boyfriend is carrying on an affair with his gay manager.

Aktres: Bakit, gaano na ba kayo katagal?

Manager: Eight years.

Aktres: Eight years?

Manager: Oo, ganu’n na katagal. Bakit, gusto mong sabihin ko pa ang mga dates kung kelan kami nagse-sex?

Aktres: Bakit, madalas ba?

Manager: Oo, ‘pag nagkikita kami.

Aktres: Gumagamit din ba siya ng condom sa tuwing nagse-sex kayo?

Manager: Bakit naman siya magko-condom, eh, dyowa ko siya?

Maging ang mga petsa raw kung kailan magkasama ang manager at ang aktor ay ipinaalam din ng una sa aktres. Du’n na raw napagtahi-tahi ng aktres na ‘yun pala ang ‘yung mga panahong hindi siya ang kapiling ng aktor. Next thing was, isusumbong ng aktres ang napag-usapan nila ng manager sa kanyang actor-boyfriend. Lalo tuloy na-bad trip ang aktor, na hindi na muling nakipagkita sa bading. Malukis-lukis ngayon ang manager dahil tuluyan nang naglaho sa buhay niya ang aktor, na isyogo na lang natin sa neymsung na… Allan Madagascar!

KUNG DATI-RATI’Y HALOS isumpa ni Ma. Isabel Lopez si Mrs. Stella Marquez de Araneta (of Binibining Pilipinas Charities), gone are her pagtataray days.

Time was when Isabel’s name was stricken out of the annual pageant’s souvenir program, kinastigo kasi ang dating Bb. Pilipinas-Universe for taking the bold route at a time when it was strictly a no-no among supposedly virginal title-holders. Hindi naman nagpakaipokrita si Isabel during her struggling years in showbiz.

Despite that, hindi nagtanim ng galit ang hitad although she was once quoted to have said the worst racial slur against Stella, a former Columbian national.

Sa darating na March 7 gaganapin ang coronation night ng nasabing timpalak. Hindi alintana ni Isabel na baka hindi na naman daw siya papasukin sa venue, worse than having been stripped of her title.

“I’m sure she (Stella) will try to stop me from going in, but I’ll attend the pageant night,” soplang sey ni Isabel, bilang bahagi raw kasi ‘yon ng mga aktibidades ng mga past winners.

Sa mga hindi nakakaalam, isa ring beauty queen material ang anak ni Isabel, but sorry, hindi ito sasali sa Bb. Pilipinas. “My daughter is an American citizen, baka ma-dethrone!” Sey niya.

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

loading...

One thought on “Gay talent manager, kinumpronta ang aktres na kinalolokohan ng karelasyong aktor!

Leave a Reply

Your email address will not be published.