Gay personality, sobrang possessive sa menor de edad na boylet!

BLIND ITEM: Menor de edad ang latest conquest ng isang gay personality, na kung uudyukan lang ang mga magulang ng boylet ay puwedeng sampahan ng kasong corruption of minors ang huli.

Bagama’t well-provided for ang bagets, sobrang higpit naman ang kanyang may-edad nang gay benefactor. Galit na galit ang lola sa tuwing may mga girlilet na nagte-text sa kanyang jowang bagets. Buti sana kung imbyerna lang ang masyonda, tinatawagan pa niya ito para away-awayin.

Once may nakarinig sa bading kung paanong talak-talakan niya ang nene na nag-text sa kanyang boylet. “Oy, iha, mag-aral ka na lang, hindi puro kalandian ang inaatupag mo!” Tili ng gay personality sa pobreng girlalu.

Maging possessive ba?! Ang lagay, eh, iritada siya sa mga babaeng lumalandi sa boylet niya, how much more kung kabaro na niya, ‘di ba?

FAMED TV HOST/ entrepreneur/ eventologist/ kung anik-anik pa, Tim Yap is least bothered by talks that he has lost his celebrity friends’ trust and confidence.

May lumabas kasing item (hindi rito sa Pinoy Parazzi) na iniiwasan na raw si Tim ng kanyang mga kaibigan dahil sa pagkukuwento nito ng kanilang mga well-kept secrets. In fairness, there’s no truth to it.

Oo nga’t Tim maintains close ties with most showbiz figures, pero hindi para ipagkanulo niya ang mga ito whose secrets – dark as they may be – he holds sacred.

Kung meron mang isini-share si Tim na mga kuwento tungkol sa kanila ever since his daily show Tweetbiz came into being, ‘yun ay mga positibong tsika na puwedeng pagkunan ng inspirasyon sa buhay.

One classic story na ibinihagi nga ni Tim sa naturang QTV show ay ang pagpapamalas one time ni Angel Locsin ng kanyang act of benevolence. Ang kuwento, naglalakad daw si Angel sa vicinity ng isang bar when she chanced upon a male slumped on the ground, lasing na lasing at nagkalat sa buong katawan ang suka nito.

With the help of passersby, binitbit daw nila ang lalaki, dinala sa pinakamalapit na restroom at mismong si Angel daw ang walang kadiri-diring nagpagpag sa marungis na estranghero with running water from the faucet.

Bukod sa pagiging sikat na TV personality, Tim has his hands in business. Karamihan nga sa mga parokyano ng kanyang Encore (dating Embassy) ay mga kaibigan din niyang artista. Obviously, Tim will never stake the entrepreneurial side of him kung magtsitsismis siya ng mga lihim ng kanyang mga kaibigan.

“You know, Tito Ron, it doesn’t bother me at all ‘coz it’s not true naman,” tugon ni Tim sa inyong lingkod. “And if I’ve gone showbiz, ‘yun eh, dahil I’ve also wanted to reach out to the mass base, but never have I betrayed the trust of my showbiz friends,” paliwanag pa niya.

In my more than two months working with Tim, with sense of pride comes knowing that he is one good soul.

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

loading...

4 thoughts on “Gay personality, sobrang possessive sa menor de edad na boylet!

Leave a Reply

Your email address will not be published.