“GAY PEOPLE ARE REAL PEOPLE”- DIREK ERIC QUIZON

Direk Eric Quizon

GAYS are real people. Dati rati pipinagtatawanan, ikinakahiya pero iba na ang takbo ng panahon ngayon

Excited si Direk Eric Quizon sa kanyang pelikulang “My 2 Mommies” na Mother’s Day Presentation ng Regal Entertainment na pinagbibidahan nina Paolo Ballesteros at Solenn Heussaff.

May kuwento si Direk EQ tungkol sa pelikula niya. “When I got the script, immediately Pusong Mamon (his movie with Lorna Tolentino & Albert Martinez from Viva Films in the 90’s as an actor), ang naisip ko. In the sense that it is not your usual romcom. This is romcom with a twist.

“A movie which deals with gay parents. So ang treatment ko sa movie is simple. Real situations dealing with real people. Situation ang nagdadala ng comedy,” tsika ni EQ sa amin thru DM sa IG.

Kuwento ni EQ that na he signed a contract with Regal Entertainment for this directorial job. “I was once a Regal Baby. Once a Regal baby, always a Regal Baby.”

Kahit sinasabi ng marami na trend na raw ang mga gay themed movies or shows sa television, para kay Direk EQ ay iba ang paniniwala niya.

“I do not think it is a trend. Not all movies with gay subject matter kumikita. Depende pa rin sa istorya or sa artista.

My 2 Mommies cast members Solenn Heussaff, Marcus Cabias and Paolo Ballesteros

“My dad was a sidekick or paextra-extra lang. He did a lot of box office hits with gay themes. Gays are real people, dati rati pinagtatawanan, ikinahihiya pero iba na ang takbo ng panahon ngayon. Rerespetuhin ka, kahit ano ka pa basta marangal at mabuti ang ginawa mo,” kuwento niya sa DM chat namin.

Excited siya sa magiging reaksyon ng publiko sa pelikula niya with Paolo and Solenn na showing sa May 9 na.

Iba ang treatment kasi niya sa pagtalakay sa kuwento ng mag-ex na magkarelasyon na madi-discover na lang ng dating boyfriend na may anak pala sa pagkabinata ngayon na isa siyang “beks” or bading.

‘”Magagaling ang mga artista ko,” panigurado ni Direk EQ.

Reyted K
By RK Villacorta

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.