Gay movie newcomers debut on ‘Heavenly Touch’

MAY NADAANAN LANG kami sa pagba-browse namin sa mga pumasok na messages sa aming Facebook account.

Balita tungkol sa diumano pagpo-propose ni Michael de Mesa sa kanyang girlfriend na si Julie Reyes, na member ng dance group na Hotlegs.

Muli na naman bang ikakasal si Michael? At naayos na nga ba ang annulment ng kasal nila ng kapwa nito artistang si Gina Alajar?

Marami naman ang natutuwa sa nakikita na ngang mga pagbabago ngayon sa buhay ni Michael.

Hinihintay pa namin ang sagot ng kelan lang naman eh, uminit ang ulo sa taping niya ng Pieta na si Cherie Gil. Dahil nagiging lax daw ang mga katrabaho niya sa nasabing taping. Pero hindi naman natukoy ni Ms. Cherie kung artista ba o production staff ang ikinainit ng ulo niya that time.

Ang sabi lang ni Cherie, na lumipad muna pa-Israel matapos niyang panoorin ang concert ni John Legend eh, wala raw siya in a position para magsalita para sa kanyang kapatid. Puwede ko raw itong i-email, dahil nagtungo sila sa Los Angeles, USA, ni Julie.

ONE MADALING-ARAW SA KLOWNZ-Quezon Ave., may pumaradang sasakyan, kung saan kami nakaupo sa may backstage ng nasabing comedy bar.
Bagung-bago ang nasabing sasakyan, ha? Isang Chrysler Nitro. At nagulat pa kami nang bumaba ang nagda-drive ng puting sasakyan at lumapit sa amin para humalik.

Si Patrick Garcia! Ipina-test drive niya kay Allan K. ang kanyang sasakyan. At mukhang may ilang mga katanungan siya sa naka-Expedition that night (nagpahinga ang Hummer?) na may-ari ng Klownz sa mga dapat niyang malaman tungkol sa isang malaking sasakyan.

Eh, hindi naman maiwasang maglaro ang utak namin. Gusto sana naming tanungin si Patrick kung nadalaw ba niya ang na-ospital uli na ina ng kanyang anak na si Jennylyn Mercado, na bumuka ang tahi nang magka-rash sa tabi ng nasabing tahi, sanhi para ito bumuka at magnaknak.

Eh, nagmamadali si Patrick kasi.

YUMMY ANG DALAWANG bida ni Direk Manny Valera sa bago niyang proyektong Heavenly Touch megged by Joel Lamangan, ha?

Istorya ng mga masahistang lalaking magkakaroon ng kaugnayan sa kabuuan ng istorya ang sasalangan ng mga aabangan, dahil sa pagiging game nila sa hubaran, na sina Joash Balejado who is only 20 years old at si Paolo Serrano na 24 years old na.

Ang isang tanong na inihain sa bagong talent ng DMV Entertainment na si Joash eh, kung may karanasan na ba siya sa mga bading. May mga nagpaparamdam at hiwatig daw sa kanya pero hindi niya pinapansin.

Pero nakita namin ang reaksiyon sa mukha ni Joash, ha? Nang may magsabi sa kanyang pinagpipistahan na sa kanyang Friendster account ang pagpo-pose niya sa sarili niyang camera nang walang saplot.

Kung mabilis kayo, baka maabutan niyo pa ito, kung hindi pa niya iniaalis doon o inililipat sa dapat na paglagyang files.

Ang Paolo naman, mukhang sanay na sanay na sa sinasabi niyang ‘slight’ na mga frontal nudity na ginawa niya sa ibang pelikulang nasalangan na niya.

The Pillar
by Pilar Mateo

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.