Gay issue, sinagot ni Mark Bautista – Gorgy’s Park

SINAGOT NA RIN ni Mark Bautista ang matagal nang gay issue na ipinupukol sa kanya.

Hindi naman daw bago iyan sa mga male celebrity gaya niya kaya hindi na lang niya pinapansin. Pero ang inili-link siya kay Piolo Pascual ay unfair naman daw sa kanila.

Isa nga raw iyun sa mga dahilan kung bakit hindi na itinuloy ang Pop Icons nila nina Piolo, Erik Santos at Christian Bautista.

“Pero alam ko naman ang katotohanan kaya hindi na lang namin pinapansin. Iyon na lang ang pinakamabuting gawin dahil hindi naman totoo, eh,” pahayag nito.

“Bilib nga ako kay PJ (tawag kay Piolo)! Kung ikumpara sa isyu sa akin, wala lang ito sa mga pinagdaanan niyang intriga. Pero the best way raw is to ignore it at hayaan na lang,” patuloy nito.

Napapag-usapan daw nila minsan iyan, pero pinagtatawanan na lang daw nila. Pero minsan ay apektado rin daw siya dahil hindi pa rin siya sanay sa ganitong intriga.

Nagpapasalamat na lang si Mark kay Sarah Geronimo dahil ipinagtanggol naman daw siya nang kinunan ito ng reaksyon tungkol sa isyung iyan.

Ang magandang balita lang kay Mark, siya ang kinuhang endorser ng Mang Inasal at tamang-tama raw ito sa kanya dahil marunong siya magluto at gusto nga niyang matutunan ang pagluluto ng manok na may timpla ng Mang Inasal.

Tuwang-tuwa ang naturang singer dahil nakakapag-endorse na siya gaya nitong sa Mang Inasal.

NAGKAROON NG PRESSCON kahapon ang pamilya ng namayapang PA ni Richard Gutierrez na si Nomar Pardo pagkatapos iakyat sa korte ng Municipal Trial Court ng Cavite ang kasong Reckless Imprudence na isinampa ni Lorayne Pardo laban sa aktor.

Nagsalita naman si Richard tungkol sa kasong ito nang dumalo siya sa premiere night ng The Echo na dinirek ni Yam Laranas na siyang direktor ng pelikula niyang Patient X.

“Nalulungkot ako at hindi ko ini-expect na sa ganitong time ng buhay ko mangyayari ang ganitong klase ng kaso. But I just want to let everybody know that kahit nangyari ito ngayon it’s motivating and inspiring mo to work harder.”

Nakahanda naman daw silang harapin ito pero gustong iparating ni Richard na ilang beses naman daw silang nakipag-usap kina Lorayne at gusto nilang tumulong pero matigas pa rin daw sila.

Minsan ay sumagi rin daw sa isip ni Richard na baka merong malaking taong sumusulsol kina Lorayne na gawin ito sa kanila pero wala naman daw silang patunay kung sino ang mga ito.

Buo raw ang pamilya nila na harapin ito at nagpapasalamat siya sa lahat na naniniwala pa rin sa kanya at sumusuporta.

Ibig lang nitong linawin uli na hindi niya sinadya ang mga pangyayari at malinaw na aksidente iyun kaya ipaglalaban nila ito sa korte.

Nakausap din namin si Tita Annabelle pero tumanggi itong magsalita. Ayaw raw silang pagsalitain ng kanilang abugado, pero siyempre nandiyan ang lahat ng suporta nila kay Richard.

By Gorgy’s Park

loading...

12 thoughts on “Gay issue, sinagot ni Mark Bautista – Gorgy’s Park

  1. Im happy I located this webpage, I couldnt find any information on this topic prior to. Also run a website and in case you are ever serious in a little bit of guest writing for me make sure you feel free to let me know, im always look for people to check out my website. Please stop by and leave a comment sometime!

  2. yeah tama. obvious naman na bading sila and a lot of gays can tell din.

    sikat na kasi kaya kelangang takpan mga baho nila. tsk tsk.

    showbiz nga naman. it disgust me.

  3. obvious namang mga bakla yang mga magbabarkadang yan eh,walang mga shota,magkashota man break agad kasi hindi nila matake ang mga babae dahil guys ang gusto nila,pwede ba magladlad na kayo ,ikaw Sarah magisip-isip ka problema ang magkashota ng bakla wala kang laban ,lahat ng natsismis na bakla,bakla talaga lalo na mga taga showbiz example si Rustom,deny to death dati at nagasawa pa ,naging action star pero kapag bakla ka,lalabas at lalabas ang berde mong kulay kahit anong gawin nila,hindi nyo pwedeng dayain ang sarili nyo kahit magdemanda pakayo lalo lang nagiging obvious.

    • LOL… Nasa tao yan tingnan mo si Tonette Macho. May mga lalaking sadyang malamya pero hindi ibig sabihin bading. Ang bading yun nakikipagrelasyon sa lalaki… Kasuklam suklam yun ayon sa bible lol

  4. payo 4 richard….patahimikin mo nlng ang na2y mo
    at turuang magpkababa ngloob…tumanggap ng pagkatalo…at kumuha ng mgaling na taga payo…sya ang 1 sa mga dhiln ng mga pangya2ri syo…sana at 1st
    inisip muna ng madir mo ang mga cnsabi nya…nagpa2dala kc agad s galit at kyabangan…yan 2loy…d natu2log ang dyos…remember dat!!!!

  5. magtago na lang sila ulit sa isang resort at magkulong sa room nila gaya dati kung gustong gusto talaga nilang magsama ng matagal na walang madaming tao na makakita haha

Leave a Reply

Your email address will not be published.