Gay comedian, nangangaladkad ng lalaki sa CR?!

OLA CHIKKA! MASYADONG naging controversial ang panibagong advertisement nitong presidentiable na si Manny Villar, kung saan ang tatlo sa kanyang mga endorsers na sina Willie Revillame, Manny Pacquiao at Dolphy ay nagbigay ng statements tungkol sa kanilang pambato na si Villar.

Sa tatlong statements, ang kay Pacman ang pinaka-napag-usapan, kung saan sinabi niyang “laban ng laban wala namang napatunayan” na tingin ng marami ay patama ito sa kalaban nilang si Noynoy Aquino.

Matapos lumabas ang advertisement na iyon, tsaka naman nakita sa Twitter ni Kris Aquino ang isang message para sa isang Pinoy sports icon, kung saan idinepensa ni Kris ang kapatid at sinabi pa na pagdating sa pulitika, itong si Pinoy sports icon ay talagang bagsak.

Ayaw namang magsalita o linawin ni Kris kung si Pacman nga ang kanyang pinatatamaan, habang si Pacman naman ay hindi na lang sineseryoso ang isyung ito.

Kung tutuusin, hindi ko masisisi si Pacman dahil malamang ay napag-utusan lamang siya at ginagawa ang kanyang trabaho. Ngunit kung ako si Kris, masasaktan nga rin naman ako. Ang punto ko lang, kanya-kanyang paraan

iyan kung paano mo dadalhin ang tensiyon na dala ng eleksiyon. Kanya-kanyang diskarte kung papaano manalo kaya gaya nga ng paalala ko ay bumoto nang tama. Magsaliksik at ‘wag magpadala sa advertisement, intriga at paninira. Naniniwala ako na mas matatalino na ang mga tao ngayon upang malaman kung sino ang nararapat.

TULAD NG ELEKSIYON, nalalapit na rin ang solo concert nitong si Vice Ganda sa darating na May 15, 2010. Totoo ngang naging malaking tulong sa kanya ang pagbabalik-telebisyon niya sa pamamagitan ng Showtime at talaga namang napaka-suwerte niya ngayong taong ito, dahil sunud-sunod ang mga projects na ginagawa niya at isa na rito ang pag-remake ng Petrang Kabayo.

Wala namang duda kung bakit siya nagkakaroon ng ganitong blessings dahil ayon sa aking parazzi girl na laging nakakakita sa kanya, talagang napakabait daw nitong si Vice, dahil sa likod ng kamera ay wala raw itong kayabang-yabang na parang ordinaryong tao lang kung kumilos na hindi mo talaga mararamdaman kahit konting hangin sa katawan. Kaya naman sa tingin ko, kung hindi magbabago ang kanyang ugali ay patuloy pa rin ang mga biyayang darating sa kanya. Bonggacious!

BLIND ITEM: PITIK-BULAG! Sino siya? Sino itong komedyante na pagala-gala sa mga bar at doon ay nambibiktima ng mga kalalakihan?

Ang chikka kasi sa akin ng parazzi girl ko, madalas niya raw itong nakikita sa mga gimikan at doon ay nanghahatak ng mga lalaki sa CR. Ngunit ang nakakatuwa rito, wala pang dalawang minuto ay nagkakandarapa na sa paglabas ang mga lalaking kinaladkad niya.

Ha-ha! Mauutak na rin ang mga lalaki ngayon, dahil habang tumatagal ay nagiging choosy na sila. Kunsabagay, kung ako nga naman din ang mahahatak sa CR, magtatatakbo na ako dahil baka maknock-out ako at mapagkamalan pang totoo siyang boksingero. Kilala n’yo na? ‘Yun na!

AT HUWAG N’YO pong kalimutan ang aking OLA CHIKKA PRODUCTIONS para sa advertisement, guesting, exposure, shows at everything regarding entertainment. For inquiries just call us at 417 6181 at 0927 428 4216. Nais ko lamang pong linawin na hindi ko po personal numbers ang mga iyan. Lahat ng iyan ay office numbers kaya para sa mga updates sa akin at comments, maaari po kayong mag-send sa akin ng e-mail sa tita_s2006@yahoo.com. Maraming salamat po and God bless us all!

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

loading...

25 thoughts on “Gay comedian, nangangaladkad ng lalaki sa CR?!

  1. ANG LAKAS TALAGA NG DATING NG HANGIN NITONG MGA MAKA NOYNOY ABNOY DITO. DAIG PA SI ONDOY. HINDI PA NGA NAG EELEKSYON, PRESIDENTE NA. OO NGA NAMAN NAGHAHANDA NA ANG MENTAL HOSPITAL PARA I WELCOME YUNG SPECIAL PATIENTS NILA.

    UNA SI ABNOY DAHIL KUNG ANU-ANONG SINABI NA NAMAN. BUMALIKTAD NA NAMAN SA PINANGAKO NYA KAY EL RAMBOTITO DE MAKATI NOGNOG BINAY. DAHIL NAPINTASAN SYA, BUMALIGTAD NA AGAD.TULAD DIN NG NANAY NYA, TAKSIL. HINDI PA MAN NAGTATAKSIL NA SA KASAMA. KUNDI BA NAMAN BALIW NAGLALAGAY NA NG TAUHAN SA PWESTO HINDI PA NGA NAGEELEKSYON. FEELING PRESIDENT NA. BALIW TALAGA

    IKALAWANG IPAPASOK S MENTAL AY YONG SISTER NIYA DAHIL PAGSASAKSAKIN DAW NYA ANG LAHAT NA PUMUPUNA SA KAPATID NIYANG BALIW. ARAY… TALAGANG MGA BALIW, BALIW, BALIW.

    ITO BA ANG KLASE NG MGA TAONG MAMUMUNO SA PILIPINAS? MGA SAKIM, MGA TAKSIL, AT MGA BALIW?

  2. willie to villar: “senator, mas maganda na yung tayong nasasaktan kesa tayo ang mananakit”…….

    willie to ABS-CBN: “tanggalin nyo si sucaldito or ako ang magreresign”

  3. NAG NOSE DIVE NA SI VILLAR MAGNANAKAW SA ILALIM. SIGURADO NA SI PRESIDENT NOYNOY AQUINO. LANE..LOVE IT GABBY NASAAN NA KAYO BAKIT BIGLA KAYONG NATAMIMI. MGA TANGANG VILLAROYO. HIHIHIHIHIHIHI

  4. haay naku, pacman is me man… the best in the world…si manay kris nag react agad sa comment ni pacman…hindi naman sinabi na ang brother niang mahal ang walang nagawa…uy naku ha…wag pikon manay… ay sus kasiiii….totoo naman yata kya nagalit agad ang manay…

  5. I’m not pro-Noynoy; I prefer another, more experienced candidate because I feel that Noynoy isn’t ready yet for the job. I’m not saying he will never be a fit president; maybe one day, but I doubt that he’ll do as much good as the other candidates would. Hindi ata po sapat na mahal ng isang tao ang isang bansa; kailangan rin po alam niya kung anong dapat niyang gawin, dapat po may plano na siya bago siya tumakbo para maging pangulo ng bansa. The problem is that baka po hindi siya ung nagpaplano; dahil po hindi pa po siya experienced, masmakikinig po siya sa ibang tao. Hindi po ba posible na maging puppet lang siya ng mga nakapaligid sa kanya?

  6. even he does not want to undergo a test. . .nakikita naman natin iyan sa kanyang paglalakad. .parang nagkaroon ng mild stroke. .at ang pananalita . .parang punong puno ng laway. .(yakkk…!) bahala ng ang mga pinoy. .!! baka pag may coup. .umihi pa iyan sa kanyang pantalon.

  7. PETE AMPOLOQUIO & PETER LEDESMA
    MGA SHOWBIZ REPORTERS NA NAGBUBUGAW NG MGA INDIE MOVIE ACTORS LIKE KRISTOFFER KING & HARRY LAUREL. CALL/TEXT THEM AT THESE CEL.#
    PETE-0927-6557791
    0919-5767445
    PETER-0916-3082273

    • san po ireport nio yn d2!lalo na ung pic nila na magkaholding hand nung nsa coachella cla nina erwan and anne recently this april!thankx

      • yap!gimik lng…ayw pa kasi aminin eh kya mas maganda kung ireport na pra magkaalaman na!

  8. kung sinu ka man napaka baboy mo. na kakasuka ka. Kung ayaw mo yung tao hwag mong bastusin ng ganyan man lang.

    baka ikaw pa nga yan . hudas ka wala kang pinag iba sa mga halang ang kaluluwa.

    Ito ang gusto mong responce sigi hamunin mo ako.

    Gago ka manyakis.

    • Ikaw pa nga yan kung sinu ka man . Manyakis, addict demonyo ka. hudas ka.

      nasiraan na talaga ang utak mo sa kaka drugs.

Leave a Reply

Your email address will not be published.