Gawad Katapatan (Batch 39)

NOONG HUWEBES, March 31, 2016, ay pinarangalan muli ng programang Wanted Sa Radyo ang sampung matatapat nating kababayan na nagsauli ng pera at mga mahahalagang gamit na kanilang natagpuan. Ang awarding ceremony ng 39th Gawad Katapatan ay ginanap sa studio ng Radyo5 sa TV5 Media Center, Reliance corner Sheridan Street, Mandaluyong City.

Ang sampung awardee ay sina: (1) Arnel A. Cudiamat ng Ken Taxi, nagsauli ng iPhone 6+; (2) Silverio C. Sanico ng Sen-Gen Taxi, nagsauli ng iPhone 6; (3) Reynaldo O. Daguplo ng Manila’s Finest, nagsauli ng Samsung S6 Edge. Sina (4) Juvy M. Celocia ng Crisanmerlynjoy Taxi, (5) Saldy R. Rebusio ng Richmelyn Trans, (6) Glenn O. Ogaya ng Dreimigs 2000 Taxi, at (7) Bien B. Cagolcol ng Kenken Taxi ay pare-parehong nagsauli ng Lenovo laptop. Sina (8) Rolando Garcia ng Val Vangie Taxi, (9) Reynaldo S. Alcala ng Pañero Taxi, at (10) Melvin F. Chica ay mga nagsauli naman ng Acer Laptop.

Sina Raffy Tulfo at Niña Taduran kasama ang Batch 39 ng Gawad Katapatan. Ang mga nakatayo mula kaliwa pakanan ay sina: Reynaldo Daguplo, Melvin Chica, Silverio Sanico, Glenn Ogaya, Juvy Celocia, at Arnel Cudiamat.
Sina Raffy Tulfo at Niña Taduran kasama ang Batch 39 ng Gawad Katapatan. Ang mga nakatayo mula kaliwa pakanan ay sina: Reynaldo Daguplo, Melvin Chica, Silverio Sanico, Glenn Ogaya, Juvy Celocia, at Arnel Cudiamat.

Shooting Range
Raffy Tulfo

Previous articleCristine Reyes, iiwasan nang makatrabaho si Vivian Velez
Next articleShaun Salvador, inuulan ng projects dahil sa “ParangNormalActivity”

No posts to display