Gawad Katapatan (Batch 22)

NOONG BIYERNES, August 29, 2014 muling nagbigay-pugay ang programang Wanted Sa Radyo sa mga matatapat na driver na nagsoli ng mga mahahalagang gamit o bagay na kanilang natagpuan sa pamamagitan ng pagdaos ng 22nd Batch ng Gawad Katapatan na ginanap sa studio ng Radyo5 sa TV5 Media Center sa Reliance corner Sheridan Sts. Mandaluyong City.

Ang mga matatapat na driver ay sina: (1) Aaron L. Nobleza ng 24/7 Taxi, nagsoli ng wallet na naglalaman ng P12,000.00 at credit card. (2) Romeo D. Manzanilla, isang part-time driver, nagsoli ng wallet na may lamang P2,110.00 at mga ID. (3) Junied B. Cabaguing ng MGE Taxi, nagsoli ng Apple Macbook. (4) Renato S. Acuesta ng Sampaloc Transit, nagsoli ng bag na naglalaman ng Apple iPad at mga damit. (5) Lucio A. Casil ng Gbaq Taxi, nagsoli ng Lenovo laptop. (6) Erwin Philip Aribon ng 768 Taxi Corp., nagsoli ng baril na caliber .9mm. (7) Gil B. Arjona ng BA Herana Taxi, nagsoli ng Samsung Galaxy Y. (8) Nilo C. Toquero ng Empress Taxi, nagsoli ng Alcatel cellphone. (9) Salvador P. Bolima Jr. Ng Golden Boy Taxi, nagsoli ng Nokia 202. At (10) Felix D. Monreal ng Uber Taxi, nagsoli ng MyPhone B88 at mga ID.

Shooting Range
Raffy Tulfo

Previous articleProbelamdo sa Suporta at Kustodiya sa Anak
Next articleAktres, dating nagtatrabaho sa escort service?

No posts to display