Gawad Katapatan (Batch 18)

MULING NAGBIGAY ng pagkilala ang programang Wanted Sa Radyo sa mga matatapat nating mga kapatid sa kalsada na walang pag-aalinlangang nagsosoli ng mga mahahalagang gamit o bagay na kanilang napulot. Kaya noong April 4, 2014, Biyernes, ay idinaos ang 18th Gawad Katapatan sa studio ng Radyo5 sa TV5 Media Center sa Reliance corner Sheridan St., Mandaluyong City.

Ang sampung matatapat na driver ay sina: (1) Wilfredo V. Mancilla ng Day’s Taxi, nagsoli ng wallet na may P9,000.00 cash at IDs. (2) Reonel S. Cardenas, isang family driver, nagsoli ng wallet na may lamang P2,920.00 at mga ID. (3) Brian P. Palma ng Balat & Fe Taxi, nagsoli ng Apple iPhone 5. (4) Roberto C. Codillo ng Broqueza Taxi, nagsoli rin ng Apple iPhone 5. (5) Rolando Rondon ng Sha Ina Rona Taxi, nagsoli ng Acer laptop. (6) Willy V. Marinda ng Easy Term Carrier Taxi, nagsoli ng Compaq Laptop. (7) Ricardo T. Baydo ng Golden Crest Taxi, nagsoli ng Samsung Galaxy S4. (8) Erwin N. Mendez ng Ibrahim & Miriam Taxi, nagsoli ng Samsung Galaxy S3. (9) Jeffrey J. Rejas ng Pollanne Taxi, nagsoli ng Acoustic Guitar. At (10) Jose R. Surio Jr., isang family driver, nagsoli ng Alcatel One Touch cellphone.

Shooting Range
Raffy Tulfo

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.