Gawad Katapatan (Batch 17)

NOONG BIYERNES, February 28, 2014, muling binigyang pugay ng programang Wanted Sa Radyo ang mga matatapat nating kababayan na nagsoli ng mga mahahalagang gamit na kanilang napulot. Idinaos ang 17th Gawad Katapatan sa studio ng Radyo5 sa TV5 Media Center sa Reliance corner Sheridan St., Mandaluyong City.

Ang sampung awardee ay sina: (1) Richard V. Lizardo ng Cayaon Taxi, nagsoli ng bag na naglalaman ng cash na P3,450.00, ¥10,000.00. (2)  Efren A. Lorenzo ng Con Clair Taxi, nagsoli ng wallet na may lamang P5,000.00. (3)  Gerry B. Palencia ng Transcity Taxi, nagsoli ng wallet na may lamang P2,840.00, HK $70.00 at US $16.00. (4) Ranie P. Sison Sr.  ng L. Aguinaldo Taxi, nagsoli ng bag na naglalaman ng P3,200.00. (5) Larry D. Legaspina ng Marjane Taxi, nagsoli ng bag na may lamang P3,000.00. (6) Rodrigo C. Abo-abo ng MGE Taxi, nagsoli ng Samsung Galaxy S4 at Samsung Galaxy S3. (7) Clent Jun D. Deanon ng Shan Taxi, nagsoli ng luggage na may Toshiba Laptop. (8) Leopoldo B. Maaghup ng Mariela Joy Taxi, nagsoli ng bag na naglalaman ng Samsung Galaxy Tab. (9)  Mario M. Ibarra, isang motorcycle rider at freelance cameraman, nagsoli ng Samsung Galaxy Tab 2. At (10) Jesus A. Galang, isang basketball referee, nagsoli ng Nokia C3 cellphone.

Shooting Range
Raffy Tulfo

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.