Gatdula, out na sa NBI

KINUMPIRMA NI Justice Secretary Leila de Lima na sisibakin na sa National Bureau of Investigation (NBI) si Director Magtanggol Gatdula.

Ito ay bunsod ng sinasabing extortion sa isang undocumented Japanese na hinuli ng mga ahente ng NBI sa Pangasinan noong Oktubre.

Inihayag ni De Lima sa pagtungo sa Kampo Crame na tapos na ang 30-day leave of absence ni Gatdula at kanya na itong kakausapin hinggil sa naturang aksyon.

Tumanggi naman ang kalihim na tukuyin ang kasong kakaharapin ng da-ting heneral at kung sino ang papalit sa kanya.

Kabilang sa sinasabing pinagpipiliang pumalit kay Gatdula si PNP-Criminal Investigation and Detection Group director, Chief Supt. Samuel Pagdilao, Jr., subalit magiging hadlang dito ang isa ring kaso ng katiwaliang kinakaharap nito.

Posible rin umanong pumalit si retired PNP chief Raul Bacalzo habang nagpahayag na ng kahandaan si dating Army Brig. Gen. Danilo Lim.

(EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.