Gatdula, ayaw tantanan ng DOJ

SA KABILA ng order na inisyu ng korte, nagmamatigas ang Department of Justice (DoJ) sa pagsasagawa ng imbestigasyon para madetermina ang kriminal na pananagutan ni dating National Bureau of Investigation Director Magtanggol Gatdula.

Nitong nakaraang Pebrero 20, pinatitigil ng Manila Regional Trial Court Branch 8 ang DoJ na magsagawa pa ng anumang imbestigasyon kay Gatdula.

Sa 11-pahinang utos ni Manila RTC Judge Felixberto Olalia, sinabi rito na “in view of the foregoing, the prayer for the issuance of writ of preliminary injunction is hereby granted. Respondent Secretary Leila De Lima and the panel of investigators chaired by Justice Undersecretary Francisco Baraan are hereby enjoined from issuing or transmitting a report to any government agency obtained through the Department order that created the panel.”

“Respondents are further restrained from doing, threatening, procuring or suffering to be done acts or transactions which are detrimental or prejudicial to the interest of the petitioner,” sabi pa ng korte.

Nagsampa si Gatdula ng isang urgent petition for certiorari and prohibition sa korte matapos na sibakin siya bilang pinuno ng NBI at irekomendang sumailalim sa preliminary investigation sa kasong kidnapping at serious illegal detention.

Gayunman, sa isang-pahinag subpoena, hiniling ng DoJ panel of investigators na sumipot si Gatdula at magsumite sa kanila ng conter-affidavit na nagpapaliwanag ng kanyang posisyon kaugnay ng alegasyon ng pagkakasangkot niya sa kidnapping at serious illegal detention sa Japanese national na si Noriyo Ohara.

“You are hereby warned that failure on your part to comply with this subpoena shall be considered as waiver to present your defenses in this preliminary investigation and the case shall be considered submitted for resolution based on complainant’s evidence only,” saad ng subpoena na may petsang Peb. 29, na pirmado nina Assistant State Prosecutor Juan Pedro Navera, Irwin Maraya at Hazel Decena-Valdez.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

One thought on “Gatdula, ayaw tantanan ng DOJ

  1. SI DE LIMA KAHIHIYAN NG GOBYERNO. PURO HEARSAY LANG NAMAN E INAPATULAN NA. ANG LUTASIN NYO YUNG TUNAY NA PROBLEMA NG BANSA. KAHIRAPAN, DRUGS, KALAMIDAD, PAG TAAS NG BILIHIN. GINAGAMIT MO ANG TUNGKULIN MO PARA GUMANTI E. WALA KANG KWENTANG TOMBOY KA!

Leave a Reply

Your email address will not be published.