Gatas at seafood mula Japan, hihigpitan sa screening

TINIYAK NG BUREAU of Food and Drugs Administration (BFAD) na pra-yoridad nila na busisiin at isailalim sa screening ang mga gatas at seafoods na dumarating sa bansa.

Ginawa ang pahayag kasunod ng radiation scare sa Japan kasunod ng twin tragedy na 9.0 magnitude na lindol noong Marso 11 na sanhi naman ng pagsabog ng dalawang reactors ng Daichii Fukishima Nuclear Power Plant.

Gayunman, sinabi ng BFAD na ang mga inangkat noong Marso 22 ang uunahing isailalim sa screening.

Samantala, nagpulong na ang Department of Science and Techno-logy – Philippine Nuclear Research Institute na nagkaroon sila ng pagpupulong kasama ang Department of Agriculture, Bureau of Animal Industry, Bureau of Fisheries and Aquatic Resources, Bureau of Plant Industry hinggil sa pagsasagawa ng sampling sa mga pagkain anumang oras upang malaman kung kontaminado ang mga ito ng radiation sa Japan.

Bagama’t sinasabing ligtas ang mga imported products mula sa Japan, hindi naman dapat magkumpiyansa at mas mabuti umanong idaan sa random sampling.

Tiniyak din ng mga ahensiya ng pamahalaan na hindi aabot sa publiko ang mga delikadong pagkain sakaling mapatunayan nilang posi-tibo ang mga ito sa radiation.

(EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.