Gastos sa Impeachment Trial: P5.8-M, sa kongreso; P2.4-M sa senado

MATAPOS ANG 44 na araw ng paglilitis sa Impeachment case ni Chief Justice Renato Corona, tinatayang umabot sa P5.8 milyon ang ginastos ng Kamara sa kabuuan.

Mas mataas ito ng P800,000 sa inilaang P5 milyong budget ng pamahalaan, ayon kay House Committee on Accounts chair An-Waray Rep. Florencio “Bem” Noel, kung saan malaking bahagi aniya ng gastos ang napunta sa pagkain, supplies at equipment rental ng House prosecution panel.

Marso 21 pa lang, umabot na sa P3.5 milyon ang ginastos ng Kamara para sa paglilitis.

Sinabi pa ni Noel na na sa kabuuang halaga, P1.3 milyon pa ang hindi nali-liquidate.

Sa panig naman ng Senado na tumayong Impeachment Court, umaabot na sa P2.4 milyon ang nagastos nito para sa impeachment trial.

(Parazzi Reportorial Team)

 

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.