Gasoline station, niratrat ng 2 armado

PINAULANAN NG bala ng dalawang armadong lalaki ang isang gasolinahan sa Brgy. Poblacion, San Miguel, Bulacan.

Sa ulat ng pulisya, dakong ala-una ng hapon nang bigla na lamang sumulpot ang dalawang lalaking armado ng armalite M-16 Rifle and caliber .45 at pinaulanan ng bala ang Dazon Shell Station na pag-aari ni Adolfo Dazon, 62 anyos at residente ng nabanggit na barangay.

Nabatid na lulan ng isang motorsiklo ang mga suspek nang pagbabarilin ang gasolinahan.

Nawasak ang isang pump ng gasolinahan, ang opisina nito at ang kalapit na Ford 888 Pawnshop dahil sa tama ng bala ng baril.

Narekober sa pinangyarihan ng krimen ang 8 empty shells ng caliber 5.56, limang empty shell at 2 deformed slugs ng kalibre 45.

Nakita naman sa CCTV camera ng isang establisyemento malapit sa pinangyarihan ng insidente ang mga suspek habang papatakas papuntang norte.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.