Gasolinahan Hinoldap ng “Pulis”

RIZAL – SA KABILA ng walang humpay na kampanya ng Rizal PNP sa mga kriminal na nakamotorsiklo ay wala pa rin itong silbi sa bayan ng Cainta matapos na holdapin ng isang lalaki na nagpakilalang pulis at sakay ng motorsiklo ang isang gasolinahan.

Nanginginig pa sa takot ng magtungo sa himpilan ng pulisya si Elizabeth Zamora, 26-anyos, dalaga, cashier ng Caltex Gasoline Station na matatagpuan sa Kilometer 17, Ortigas Ave., Extn., Brgy. Sto. Domingo ng nasabing bayan at residente ng Blk-29, Kabisig Floodway ng nasabi ring bayan.

Sa ulat, dakong alas-8:00 ng gabi nang holdapin ng nag-iisang suspek ang nasabing gasolinahan kung saan ay ang kahera at mga kasamahang gasoline boy ang nagbabantay.

Nabatid na ipinarada ng suspek ang kanyang motorsiklong red/black na walang plaka sa likod ng cashiers booth at saka nilapitan ang biktima.

Ipinakita ng suspek sa kahera ang baril sa bewang saka inutusan itong ibigay ang pera sa kanya na nagkakahalaga ng P1,500.

Matapos na makuha ng suspek ang pera,  ay  agad  itong  sumakay sa kanyang motorsiklo at sumibad patu-ngo sa lugar ng Junction.  (GIGI CONVOCAR)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.