Gasgas na kasi ang gimik… Matteo Guidicelli, Manggagamit?!

BAGUHAN PA LAMANG sa industriya ang Filipino-Italian young actor, model, racer and singer na si

Papa Matteo Guidicelli pero ano itong nababalitaan namin na marami nang naiirita sa kanya dahil sa mahilig daw itong manggamit ng mga young actress sa kinabibilangang istasyon.

Una nang inamin noon ni Papa Matteo na crush niya si Sarah Geronimo… dahil ba sa kabilang siya sa movie nina Sarah at Papa Gerald na Catch Me…I’m in Love?

Naipalabas na nga ang pelikula at kumita naman, hmmm… Pangalawa, nauugnay rin ang guwapong aktor kay Kim Chiu na loveless daw ngayon. Naman, dahil ba ito sa bagong pagsasamahang teleserye

ng dalawa na Binondo Girl? At ang ikatlo eh, ang pakikipaglapit-loob nito kay Maja Salvador… teka, dahil ba ito sa upcoming movie nilang Basted under Star Cinema? Aba, hanep sa publicity gimmick, ah!

He-he! Sana naman eh, mali ang hinala ng mga mahadera laban kay Papa Matteo dahil may talent naman ang bagitong actor at may ipagyayabang naman pagdating sa itsu. Pero kung totoo ngang may

panggagamit na involved eh, ibang usapan na ‘yan.

Gasgas na ang mga gimik mo ‘tsong, hek-hek… chos!

Ni MK Caguingin

Photos by Fernan Sucalit & Parazzi Wires

Parazzi Chikka
Parazzi News Service

Related Post

loading...

3 thoughts on “Gasgas na kasi ang gimik… Matteo Guidicelli, Manggagamit?!

  1. hindi lang yun pati si ERICH GONZALES na dati nyang ka loveteam ay sinabi nyang crush nya at niligawan. haaay! matteo nakakadisapppoint ka naman. 

Leave a Reply

Your email address will not be published.