Gary Valenciano at Martin Nievera, magsasama sa concert!

TULOY NA TULOY na ang pagsasama ni Concert King Martin Nievera at Mr. Pure Energy Gary Valenciano this year. Si Gary ang nagkuwento sa amin sa presscon ng pinakabago niyang endorsement na Glu-Control herbal dietary supplement, kasama ang misis niyang si Angeli Pangilinan, na sa September 19 na ang first ever concert nila together ni Martin titled “As One” na magaganap sa Mall of Asia.

Mauuna raw sa billing ng poster si Martin kesa kay Gary. Originally, ‘Versus’ dapat ang title ng concert nila. Pero pinalitan daw nila baka mag-expect ang mga tao na mag-aaway o magpapatalbugan sila nang husto ni Martin sa concert. Instead, mas maganda nga naman kung “As One” na may tunog-pagkakaisa at pagtutulungan.

Bago ang concert, may album din munang ilalabas na magkasama sina Martin at Gary na ang title din ay “As One.” Apat na kanta ni Gary ang kakantahin ni Martin, and. Meron na rin daw song na ginawa si Martin para sa concert na “As One” din ang title. Si Martin ang lyrics at si Gary ang naglapat ng tunog.

Napuyat si Gary the night before ng presscon niya dahil nag-anchor siya sa special coverage ng ABS-CBN sa tribute na ibinigay kay Michael Jackson sa Staples Center sa L.A.

“Wekk, tinanong lang ako kung puwede akong maging bahagi ng project na ’yun at inisip ko ‘yung mga schedules ko. Alam kong may presscon ako. Paano kaya? At alam kong tatagal talaga ‘yung memorial na ‘yun because this is it. Kumbaga sa concert niya, entitled “This Is It,” ‘yung 50th concert niya, well, this was it. This is the last hurrah, the last goodbye for Michael Jackson. So, sabi ko, sige. Sige, gawin natin. And I think it’s a god choice for me to do.”

Plano ni Gary na pagpunta nila sa Amerika, ang unang lugar na pupuntahan niya ay ang libingan ni MJ.

NAINTRIGA ANG MARAMI kung paanong napapayag ang mahusay at kilalang TV host na si Boy Abunda na interbyuhin si Dra. Vicki Belo, pagkatapos ng panlalait na ginawa sa kanya noon ng kilalang cosmetic surgeon.

“I don’t know kung sino ang lumapit kanino? Kung The Buzz o ang kampo ni Vicki. Ang akin lang, napag-uusapan. I was asked if I’m willing to do the interview with Vicki and I said yes. It is a job, it is an assignment, it is a story. And prior to this interview na ginawa namin ni Vicki, I had already received text messages ng mga pasasalamat. So, okey kami ni Vicki,” lahad ni Kuya Boy.

Hindi na raw nila pinag-usapan ang ginawang panlalait sa kanya noon ni Dra. Vicki. In fairness kay Dra. Vicki, nag-apologized na raw ito kay Kuya Boy. Nagte-text pa raw si Dra. Vicki sa kanya kapag nagko-comment siya sa The Buzz sa POV portion ng Sunday showbiz-oriented talk show ng ABS-CBN.

Sa ngayon, very proud si Kuya Boy sa unang pelikulang prinodyus nila ng kaibigan niyang si Boy So ng La Carmela de Boracay, ang Astig na sa July 18 ang grand opening, sa Cinemalaya sa CCP.

Pero hindi pa man naipalalabas ang Astig, may dalawang proyekto na silang naiisip gawin. Una ang independent film directed by Bobby Garcia and will star Dawn Zulueta. Tentatively titled in English, Ressurecting Mary. Pero ang working title nila ay “Maria” na may international title na Santa Maria.

Julie Ka!
by Julie Bonifacio

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.