Garie Concepcion, itinangging nagkakalabuan na sila ni Michael Pangilinan

NATAWA lang ang singer-actress na si Garie Concepcion sa balitang kesyo nagkakalabuan na raw sila ng kasintahang si Michael Pangilinan.

Garie Concepcion

Almost one year nang magkarelasyon sina Garie at Michael at ayon sa anak nina Gabby Concepcion at Grace Ibuna, “Okay naman po kami. Siguro lang, kaya may ganyang balita ay dahil hindi kami masyadong nakikitang magkasama lately ni Michael. Pero okay kami. Actually malapit na nga kaming mag-one year.”

Dugtong pa niya, “Busy kasi siya at busy rin ako. Pero madalas naman kaming nagtatawagan. Pero ang mahalaga rin kasi po, iyong quality time, e. Saka siyempre po priorities po namin ‘yun work talaga.” 

Sa tingin niya, saan kaya nanggaling ang nasabing isyu?

“Hindi ko rin po alam. Actually po, nagulat din po ako na may isyung ganito. Basta kami po, we’re both okay at medyo busy kami sa aming mga work,” sabay-ngiti niya. 

Kasama naman si Garie sa pelikulang entry ng Cinemalaya 2017 na “Ang Guro Kong ‘Di Marunong Magbasa” na pinagbibidahan ni Alfred Vargas at mula sa pamamahala ni Direk Perry Escaño.

Samantala, mapanonood si Garie ngayon March 21, Tuesday, 8 p.m.  sa  show entitled “Killing Me Softly With Your Love” na gaganapin sa Historia Bar (near GMA, side of Caltex gasoline station). Kasama niya rito sina LA Santos, Tori Garcia, and Altitude.7 band with Erika Mae Salas, Pauline Cueto, Kikay at Mikay, Sarah Ortega, Rayantha Leigh, at Eumir Rader sa produksyon ng TJC Entertainment Productions sa direksyon ng inyong lingkod at ni Leklek Tumalad.

Nagpapasalamat naman ang produksyon sa mga sponsors: Throycath Travel and Tours Agency, TEAM, Mesa Restaurant , Fernando’s Bakeshop , I-Spy, Erase Placenta, SVS Associates, at Karaoke Republic. 

For tickets, call/ text 0915-8507388; 02-5031309.

Sa True Lang
by Throy Catan

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.