Garie Concepcion hindi naiilang kay Sharon, bumeso at yumakap pa sa Cinemalaya presscon

Sharon Cuneta and Garie Concepcion

PAREHONG PRESENT sina Sharon Cuneta at Garie Concepcion sa presscon ng Cinemalaya 2017 sa Cultural Center of the Philippines. Kitang-kita ng press na nagyakapan pa ang dalawa.

Parehong may pelikulang kasali sa Cinemalaya sina Sharon at Garie. Bida si Shawie sa Ang Pamilyang Hindi Lumuluha at kasama naman sa cast ng Ang Guro Kong Di Marunong Magbasa si Garie.

“Third time ko pa lang pong nakikia si Tita (tawag niya kay Sharon). Okey naman po kami. Tsaka wala na yung… past is past,” sabi sa amin ni Garie.

Si Garie ay anak ni Gabby Concepcion kay Grace Ibuna. Half-sister niya si KC Concepcion na anak naman ni Gabby kay Sharon.

Eh, sino ba ang unang lumalapit pag nagkikita sila ng Megastar?

“Siyempre ako po,” sagot agad ni Garie. “Pero namamansin din naman po si Tita pag nagkita kami,” dagdag niya.

Hindi na rin daw nila napag-uusapan ang tungkol sa past.

“Kumustahan lang po. Tulad kanina, the moment she sat down, interbyu-interbyu na hanggang pauwi na siya, ganyan, kaya wala na rin pong chance.”

Samantala, inamin ni Garie na nag-audition siya sa Cinemalaya para mapasama sa Ang Guro Kong Di Marunong Magbasa na idinirek ni Perry Escano.

Kasama ni Garie sa kanyang first Cinemalaya film sina Alfred Vargas, Kiko Matos, James Blanco, Loren Burgos at marami pang iba. Palabas na ang pelikula sa August.

 

La Boka
by Leo Bukas

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.