Gardo Verzosa, dinaig ang drama nina Sarah Geronimo at Charice?!

HALOS ARAW-ARAW NA napapanood itong si Gardo Verzosa sa Kapamilya network, dahil maliban sa teleseryeng Rubi, kasama rin ito sa cast ng Your Song presents Isla. Pero, how true ang nakarating sa aming chikka na sobra raw sa pagka-mama’s boy ang verstile actor?

Ayon sa aming source, sobra raw ang paghawak ng nanay ni Gardo sa ilong ng aktor. Kung sa bagay, base na rin sa mga nakaraang interview ni Gardo, okay lang naman daw na tawagin siyang mama’s boy. Ang ikinaloloka lang ng aming ka-chikka, daig pa raw ni Gardo ang isang teenager.

May time daw kasi na segue ang taping ng aktor sa Rubi at sa Your Song. Bilang professional actor, dumidiretso na raw si Gardo sa location at du’n na nga lang naghahanap ng mapagliliguan, at kung anu-ano pang kailangan niyang gawin. Madalas nga raw na nauuna pang dumarating ang aktor sa location, at in fairness naman daw sa aktor, talaga naman daw maaga itong dumating sa set kahit walang segue ng taping sa dalawa niyang teleserye.

‘Eto na. Nagte-text daw ang nanay ni Gardo sa mga taga-production at tinatanong diumano kung totoong may taping ang aktor, at maging du’n sa kabilang show, tinatanong din kung talagang may segue nga. Hindi pa raw nakukuntento ang nanay ni Gardo sa mga itine-text dito ng mga taga-production na call time ng anak araw-araw.

Grabe nga raw mag-monitor ang nanay ni Gardo, dahil pati ‘pag pack-up at ‘pag may eksena ang anak, inaalam daw talaga. Pinagpapasa-pasahan na nga lang daw ng mga taga-production ang text ng nanay ni Gardo, dahil naiistorbo na raw ang mga ito kung minsan.

“Kung sa bagay, kahit nga ang mga nakarelasyon niya dati na sina Jean Garcia at Ms. Confiado (may-ari ng 22nd St. Bar sa Antipolo) hindi rin talaga tumagal dahil sa nanay niya. Kaya nga pati mga anak niya sa ibang babae, hindi niya kinikilala dahil sa utos ng nanay niya,” hindi na nagtatakang paliwanag pa ng aming source.

“Kahit tanunging n’yo pa si Krissa Mae Arrieta na close friend niya, o kaya ‘yung kapatid ni Mon Confiado dahil may anak siya du’n.” Matapang paghahamon ng aming source.

Ang pagiging sobrang mama’s boy din kaya ni Gardo ang dahilan kung bakit sa tanda niya ngayon ay wala pa rin siyang balak mag-asawa?

Pero may chikka rin naman sa amin na nakita si Gardo na may ka-PDA sa taping ng Rubi. Sweet na sweet nga raw ang girl at si Gardo with matching holding hands mula pagbaba ng car hanggang sa pagpunta sa set at sa loob ng standby area. Ang chikka pa, parang P.A./GF nga raw ng aktor ang girl.

Ang kaso nga lang, itinatanggi raw ni Gardo na girlfriend nga niya ang girl. Dahil ba sa takot malaman ni madir?

Nakakaloka! Kung totoo man ang chikkang ito, dinaig pa talaga ni Gardo sina Sarah Geronimo at Charice Pempengco sa pagkakaroon ng uber protective na mother, huh!

by Danilo Flores

Related Post

loading...

One thought on “Gardo Verzosa, dinaig ang drama nina Sarah Geronimo at Charice?!

Leave a Reply

Your email address will not be published.