Gardo Versoza, walang planong magpakasal

Gardo-VersozaHANGGANG NGAYON, wala pa rin talaga sa takbo ng utak ni Gardo Versoza ang tungkol sa pagpapakasal, kahit siya mismo ay madalas na gawing biro ang kanyang sarili na hindi na raw siya bagets. Kaya mas pursigido ulit siya ngayon na magpaganda ng kanyang katawan at baka mawala siya sa porma.

“Lolo na kasi ako, kaya kailangang magbisikleta lagi at kung anu-ano pang ehersisyo,” sabi niya.

Madalas daw kasi na kapag busy siya sa shooting at taping, nakaliligtaan niyang mag-gym.

“Kung tungkol din naman sa lovelife at sexlife, okey pa naman ang mga pangyayari. May asim pa rin naman ako. Pero kapag nagmahal naman ako, ibinibigay ko talaga ang panahon ko at ang sarili ko. Pero okey na sa akin ‘yung mahal ko siya, magkasama kami lagi o mag-live in. Pero ayoko talaga ng kasal,” wika ng aktor.

Kung wala siyang planong magpakasal, lalong asiwa naman si Gardo kapag tinatanong siya kung may ambisyon ba siyang pumasok din sa larangan ng pulitika ‘tulad ng ibang taga-showbiz, dahil maamo siya sa mga tao. Katuwiran ng aktor na kasama rin sa pelikulang “Prenup” ng Regal Films na pinagbibidahan nina Jennylyn Mercado at Sam Milby, walang-wala raw sa kanyang pangarap na maging pulitiko.

“Hindi ako bilib sa mga pulitiko. Grabe silang magnakaw. Hindi sila nakatutuwa. Hindi rin ako naniniwalang ang mga kasamahan natin sa industriya ay papasok sa pulitika na wala silang pansariling interes,” anipa ng morenong aktor.

ChorBA!
by Melchor Bautista

Previous articleAnnabelle Rama, ayaw nang kumandidato sa 2016 elections
Next articleKen Chan, ‘di napigilang maiyak sa presscon ng teleserye

No posts to display