Gang Leader, Inutas; Gr. 4 Pupil, Nadamay

 

PATAY ANG isang gang leader matapos barilin ng motorcycle riding-in-tandem sa may Crossing, Catalunan Pequiño, Davao City.

Base sa pagsisiyasat ng pulisya, bandang alas-11:20 kamakailan, dumating ang mga suspek lulan ng motorsiklo at bigla na lamang binaril si alyas Jepoy Kimsoy.

Nadamay naman sa pamamaril ang Grade 4 pupil na nakilalang si Ian Mark Parba na lulan ng payong-payong motorcycle gayundin ang driver nito na isang Jobert Habagat.

Patay on the spot si alyas Jepoy matapos tamaan ng pitong bala ng .45 pistol sa iba’t ibang bahagi ng katawan habang kritikal ang batang napuruhan sa ulo.

Si Habagat naman ay nadaplisan lang sa kanang paa at balikat na agad dinala sa pagamutan.

Ayon kay P/Supt. Dionesio Abude, station commander ng Talomo-PNP, malaki ang kanilang paniniwala na may kaugnayan sa gang ang naturang insidente.

Sa ngayon, patuloy pa rin ang pagsisiyasat ng mga awtoridad sa nasabing pamamaril.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.