Gandang Gabi Vice, walang talo ang taya!

SUMUGOD ANG PINOY Parazzi sa taping ng first episode ng bagong show ni Vice Ganda sa ABS-CBN, ang Gandang Gabi Vice, na mapapanood na starting this Sunday after Pilipinas Got Talent.

Kakaibang putahe naman ang inihahain ng Dos sa mga televiewers nito, dahil ayon kay Vice “it’s an open format. Iba-iba ang aasahan mong pasabog linggo-linggo. Basta two things na hindi mawawala: entertainment and kuwentuhan.”

True enough, sa nasaksihan naming taping, halos hindi maisara ng audience ang kanilang mga bibig sa walang tigil na katatawa sa mahigit tatlong oras na taping. Mula sa pagsasayaw ni Vice Ganda sa opening number with XB GenSan, True Colors and SexBomb Dancers, hanggang sa pakikipag-chikahan niya kina Angeline Quinto, Bea Alonzo at Kim Chiu, wala talagang dull moment ang show. Aliw rin ang pag-guest ni Mang Virgilio ala Yoyoy Villame na finalist sa Pilipinas Got Talent.

Isang nakakatuwang segment din ang pakikipagkulitan ni Vice Ganda sa audience, na siyempre pa, with his own trademarks sa pagpapatawa.

Mabilis nga lang lumipas ang tatlong oras na parang nasa isang comedy bar ka lang, plus dinagdagan ng ayaw paawat na chikahan with celebrity guests. Kumpletos rekados nga ang bagong pakulo ni Vice na para pa sa magaling na kome-dyante ay isang “breather” every Sunday mula sa every night na teleserye at MMK tuwing Sabado. “Enjoy at saya, kantahan at kuwentuhan muna tayo!”

‘Di mo na nga kailangang pumusta pa sa karera ng kabayo. Sa bagong show na ito, si Vice Ganda ang taya… sabi nga niya, siya ang magpapatawa, siya ang kakanta, siya ang magbibi-gay-aliw sa mga manonood, siya na… siya na ang lahat!

By Dani Flores

Sugod Shooting
Pinoy Parazzi News Service

loading...

9 thoughts on “Gandang Gabi Vice, walang talo ang taya!

  1. @eye of the tiger.. WEEHHH?!?! ikaw na.. xD e ano gusto mo show/!?! ung ka jologan?! ung drama na paulit ulit puro patayan?!? cornyng love story?!?! Oa ka tehh. xp  haha. e ano nman 
    PANAMA ng comedy bar dyan?! korny nun e.. pilit. grbae di ko mtagalan panuorin. CORNY!! x)) XP

  2. ang pangit ng show ni kabayo wala naman pinag kaiba sa show sa isang comedy bar. palitan na lang ng Tele Aralan ng Kakayahan yan

  3. Maganda ang first episode. Nakakatawa ang lahat ng punchline, very natural. Let’s wait and see kung there’s more fresh pakulo and jokes coming.

  4. @ sarah jane: saan ginaya?? sa comedy bar ng gma?? e di naman maganda yun iba tung ky vice kc may chikahan sa mga artista bobo!

Leave a Reply

Your email address will not be published.