Gamot sa breast cancer, ni-recall sa merkado

ISANG BATCH ng gamot sa kanser sa suso ang boluntaryong ni-recall sa merkado ng mismong manufacturer nito matapos mag-iba ang consistency mula sa registered specification nito, ayon sa Food and Drug Administration (FDA).

Sinabi ni FDA Director Kenneth Hartigan-Go na boluntaryong inalis ng Fresenius Kabi Philippines Inc. ang Paclitaxel 30mg/1.5mL Solution for Nanoparticle Injection (Nanoxel) matapos maobserbahang ang Concentrate of Excipients nito ay naging dilaw na likido bago pa man ang aprubadong shelf-life nito na taliwas sa registered specification na dapat ay clear colorless.

Lumalabas sa Advisory No. 2014-025, sakop ng recall ang lahat ng gamot na may batch numbers na 873TF00103 (nanoxel injection) at 873RX001 (accompanying concentrate of excipients), na ginawa noong Enero 2013 at may expiration date na Disyembre 2014.

Binalaan din ng FDA ang mga gumagamit ng natu-rang gamot na maging mapanuri at tignan kung ang gamot na kanilang nabili ay sakop ng recall order.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.