Gamit ang truck ng city hall OIC ng WMO, inakusahan na nangongolekta ng basura sa mga private company

PUMAPASOK UMANO SA mga pribadong kumpanya sa 32 barangay sa Valenzuela City ang officer-in-charge ng Waste Management Office (WMO), upang mangolekta ng basura, gamit ang mga truck ng city government.

Sa natanggap na e-mail ng may-akda nito mula sa e-mail ad na “Valenzuela Walang Disiplina@yahoo.com,” tinukoy si Pablo De Jesus, OIC ng WMO na madalas pumasok sa mga pabrika para mangolekta ng basura gamit ang mga truck na pag-aari ng city hall.

Nakasaad pa sa e-mail na labag sa regulasyon ng city hall ang ginagawa ni De Jesus, dahil may sariling garbage truck ang mga pabrika at mahigpit na ipinagbabawal ang pagpasok ng garbage truck ng city government.

Napag-alaman din sa nasabing e-mail na dapat mas binibigyan ng prayoridad ng WMO na kolektahin ang basura ng mga residente at hindi ang mga basura sa loob ng mga pabrika.

Ayon pa sa e-mail, direktang nakikipag-usap si De Jesus sa mga pabrika at nagpi-presinta umano ang una na sa kanya na lang magbayad para sa paghahakot ng kanilang mga basura.

Tinawagan ng may-akda nito si De Jesus upang marinig ang kanyang panig, pero wala ito sa kanyang opisina at si Corazon Acana, clerk ng WMO, ang nakasagot ng tawag.

(ROMAN MAGPOC)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.