Gamit ang karit
Lasing, Nag-amok; 4 sugatan

APAT NA katao ang nasugatan matapos na maghuramentado ang isang lasing na lalaki sa Brgy. Pinamuk-an, New Washington, Aklan.

Kabilang sa mga biktimang pinagsasaksak ng karit at nagtamo ng mga malalalim na sugat ay nakilalang sina Benilda Vehar, 36; Jenus dela Cruz, 23; Renalyn Vehar at Jaylord Vehar na pawang residente ng nasabiong barangay.

Nadakip ang suspek na si Roxan dela Cruz, 43, residente ng naturang lugar na bitbit pa ang kanyang matalim na karit.

Ang mga biktima ay patuloy na ginagamot sa Aklan Provincial Hospital.

Lumalabas sa pagsisiyasat, lasing umano ang salarin nang magwala sa loob ng kanilang bahay kung saan pinag-initan nito ang kanyang mga kainuman.

Pagkatapos nito ay pinasok ng suspek ang bahay ng kanilang kapit-bahay na dati nitong nakaalitan na si Benilda, kung saan kahit ang kanyang pamangkin na si Jenus na nasa loob ng bahay ay sinaksak din nito.

Samantala, matapos na makalabas ng bahay, lahat umano ng makasalubong nito ay kanyang pinagsasaksak na ang iba ay masuwerte namang nakaligtas.

Kasalukuyang nakakulong ang suspek sa New Washington PNP at nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.