Galing sa Party, sa Sementeryo Tumuloy

RIZAL – MATAPOS NA magpakasaya sa isang party, sa sementeryo tumuloy ang dalawang service crew ng isang fastfood chain habang sa ospital naman ang kasamahan nilang babae matapos na maaksidente ang sinasakyang motorsiklo kahapon ng madaling-araw sa bayan ng San Mateo.

Kinilala ni Rizal PNP Director P/Sr. Supt. Manuel Prieto ang mga nasawi na sina Mark Anthony Letaga,21, binata, residente ng #12 Vices St., Kamatso Phase 2, Nangka, Marikina, City; at  Kenneth Makiramdam, 18, binata, residente naman ng bayan ng Rodriguez.

Nilalapatan naman ng lunas sa St. Mathews Hospital si Hazeline Gamit, 18, dalaga, residente ng Bayabas St., Sitio Tamenggo, Brgy. Cupang, Antipolo  City.

Sa ulat, naganap ang insidente dakong alas-3:35 ng madaling-araw sa General Luna St., Brgy. Banaba, San Mateo, Rizal.

Ayon sa pulisya, galing sa isang party ang mga biktima at sakay ng Honda Dash motorcycle na wala pang plaka at minamaneho ni Letaga para ihatid si Makiramdam sa Rodriguez.

Ayon sa mga nakasaksi bigla na lamang umanong nawalan ng control sa manibela ang driver at nagpasirku-sirko ang motor at tumama ang ulo ng mga biktima sa sementadong kalsada.

Nabatid pa sa pulisya na isang jacket ang nakapulupot sa gulong ng motorsiklo na siyang hinihinalang dahilan ng pagkakaaksidente.

Hindi naman winawala ng pulisya ang napaulat na nasagi ng isang dump truck ang mga motorsiklo ng mga biktima at tumakas. (GIGI CONVOCAR)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.