Gagambina, Nasapot

LAGLAG ANG dalagang akyat-bahay na tinaguriang ‘Gagambina’ sa kanilang lugar matapos pasukin at pagnakawan ang tahanan ng isang negosyante sa Caloocan City kamakalawa ng hapon.

Nakapiit ngayon sa detention cell ng Caloocan City Police at nahaharap sa kasong Theft  ang suspek na si Kimberly Rose Sanchez, residente ng # 305 Astorga St ., Marulas B, ng nasabing lungsod.

Ayon sa ulat ng pulisya, dakong alas-3:00 ng hapon nang pasukin ng suspek ang bahay ng biktimang si Maribeth Brown, 30-anyos L .Lupa St., Maypajo ng nasabing lungsod.

Dahil naiwang bukas ang pintuan ay madaling nakapasok ang suspek at kinuha nito ang mamahaling Samsung cellphone at iba’t ibang klase ng mga damit ng biktima bago tumakas.

Subalit, napansin naman ng kapit-bahay ng biktima na si Mark Kevin ang paglabas ng suspek sa bahay habang sandamukal ang mga bitbit na naging dahilan upang i-paalam kay Brown.

Agad na humingi ng tulong sa mga pulis ang biktima at sa isinagawang follow-up operation ay naaresto ang suspek subalit mga damit na lamang ang nabawi.

(MARY H. SAPICO)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.