Gabriela, Umalma sa Simbahan

UMALMA SI GABRIELA Women’s Partylist Representative Luz Ilagan sa ginawang akusasyon ng mga lider ng Simbahang  Katoliko na imoral umano ang mga nagsusulong ng Reproductive Health Bill.

Pinagdadahan-dahan ni Ilagan ang mga lider ng Simbahan sa pagsasabing, “when a person points an accusing finger, four fingers are pointed back at him.”

Tungkulin aniya ng Simbahan na gabayan ang mga tagasunod nito, samantalang tungkulin ng gobyerno ang tiyaking mapabuti ang mamamayan nito sa usaping serbisyo at pagbibigay ng impormasyon sa bawat mamamayan na pumili ng kanilang pamamaraan ng pangangalaga sa kalusugan.

Dapat aniyang imulat ang mga mata sa katotohanan sa pangangailangang magkaroon ng tamang bilang ng pamilya dahil sa dulot nitong kahirapan, kung hindi nito makontrol ang pagdami ng bilang ng populasyon ng bansa.

Muling iginiit ng GABRIELA solon na ang Comprehensive Reproductive Health Bill ay isang pro-poor measure.

Pinoy Parazzi News Service

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.